Jessy's POV
Ayoko sanang magpahatid kay Brix pero nagpumilit siya. I saw him crying deeply, gusto ko sanang samahan pa siya kaso ang sabi niya ay umuwi na muna ako.
"Brix" sabi ko nung nasa tapat na kami ng bahay. Mga 12:30 na ng madaling araw.
Ngumiti siya sa akin pero kita ko parin ang lungkot sa mga mata niya na hindi niya maiitago.
"I hate na nakita mo akong ganun kanina" sabi niya habang nakangiti.
Kanina kasi nung malaman niyang wala na ang Lola Elizabeth niya hindi niya ito matanggap at oo nagwala si Brix kanina na hanggang ngayon bakas parin sa mga mata niya ang sobrang pag-iyak niya kanina.
Hinawakan ko ang kanang kamay niya, naging kulay ube na kasi ito dahil sa mga namumuong dugo. Kanina kasi nasuntok ni Brix yung pader, pero ngayon parang wala lang sa kanya ang sakit.
"Gamutin muna natin to" sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Masakit siya Jes, pero bakit ganun mas masakit yung dito" sabi niya sabay turo sa dibdib niya gamit ang kaliwang kamay niya. Di nagtagal di na niya napigilan ang papatulong luha niya.
"Brix" sabi ko kaya bigla ko siyang niyakap.
"Ang sakit pala mawalan Jes" umiiyak na sabi niya. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
Sumakay na ng sasakyan niya si Brix at umalis. Ako naman pumasok na ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.
Nakikita ko pa lang sila na umiiyak at nagluluksa ayoko na. Ayokong maranasan iyon. Ayokong maranasang mawalan at mamatayan ng taong importante at minamahal.
I don't want to feel that.
Allen's POV
Inihinto ko ang kotseng sinasakyan ko sa tapat ng bahay nila Jessy or should I say my home too cause I've been living there for so many years.
Tumingin ako sa bintana ng kwarto ni Jessy. I smiled.
So stubborn. She didn't even closed her window.
Bumaba ako ng kotse at umakyat ng pader papunta sa bintana ng kwarto ni Jessy.
Damn! Madali pala talagang pumasok dito e siya nga kaya niya.
Matapos kong makaakyat nakita ko siya.
So angelic sleeping on her bed, my bed, our bed.
Napangiti ako habang dahan-dahang pumapasok ng kwarto niya at naglalakad papalapit sa kanya para hindi siya magising. I don't want her to wake up and see me. Matapos kong makalapit sa kanya. I smiled bitterly.
Damn! I really miss you!
Gusto ko siyang hawakan pero alam kong hindi pwede dahil baka magising siya. I'm just staring at her. By this I could be happy. Maybe I'm insane kasi pumunta pa ako dito pero as I said to myself lately.
This is for the last goodbye.
Please give me this chance just to see her cause maybe this will be the last. I'm will be gone.
Aalis na ako at baka hindi na ako makabalik. Sa tingin ko naayos ko na kasi yung time machine and this is the time para bumalik na ako doon dahil hindi naman talaga ako nabibilang dito.
Maybe Brix is the man for you and not me. I don't want to become an intruder, because this is Brix time line and not mine.
And one of the reasons why I am going? It is because of all the nightmares and voices that I've heard everytime I was sleeping or lonely. They want help, they want justice and I want them to have it.
BINABASA MO ANG
The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)
FantasyEven in the second time, time would be always their enemy? How can you fight for it if you already know that at first you both are not should be together? Are you going to surrender or you will take the risk? Because maybe you won't know if it will...