Just Allen

35.9K 1.3K 132
                                    

Jessy's POV

Sabado na at bukas uuwi na sina monggi at mom galing Baguio, nasa bahay lang ako dahil christmas break na din namin ngayon ilang days na lang christmas na.

Nakaupo ako sa swivel chair ko sa may study table habang nag scro-scroll sa computer at phone ko.

"Hays ! Wala man lang tumatawag at nagtetext sa akin para mag chill" inis na sabi ko sabay bagsak sa phone ko tapos inikot ko yung swivel chair na inuupuan ko at tumapat kay Allen na nakahiga sa kama ko.

Nakapikit siya habang nakaunan siya sa mga braso niya tapos naka dekwatro pa. Tinitigan ko lang siya. Bakit ang bored ? Di ba dapat exciting dahil may kasama akong lalaki sa kwarto ko ? Anyways boring din naman talaga si Allen.

"Allen ?" tawag ko.

Idinilat niya yung isa niyang mata at tumingin sa akin.

"Bakit ?"

"Allen lang ba talaga name mo ?"

"Bakit ?"

"Ts ! There is google we can search who you are !" sabi ko kaya bigla siyang napabangon.

Biglang kumunot yung noo niya na parang nag-iisip siya tapos tumingin ulit siya sa akin.

"Di ko maalala" takot na sabi niya.

"Just Allen ? Wala ng karugtong ?"

"Hindi ko naman na kailangang malaman pa yung buong pangalan ko"

"Ayaw mo ? Bakit ?"

"Hindi, dahil wala rin naman patutunguhan. Habang buhay na ako na makukulong dito so para saan pa" sabi niya tapos humiga ulit at pumikit.

Allen's POV

Oo nga no ? wala na naman akong naaalala, alam ko na kung paano ako nakulong dito pero hindi ko na naman naalala kung sino ako. Hindi naman na kailangan, malamang sa tagal ng panahon matagal ng wala ang pamilya ko.

Idinilat ko ang isa kong mata para silipin si Jessy, bumalik siya sa ginagawa niya at nakatagilid ngayon sa akin.

Ts ! kamukha niya talaga si Jessica, pakiramdam ko tuloy kasama ko lang siya, nag-iiba lang yung tingin ko kay Jessy pag nagsalita na siya pero pag hindi at nakikita ko si Jessica, nag-iiba yung pintig ng puso ko na parang si Jessica lang lang kaharap ko.

"Magkwento ka about kay lola" sabi niya sa akin pero nakatingin siya sa phone niya.

"Alin doon ?"

"Yung sa inyo" biglang kumabog ang dibdib ko.

"Anong klaseng mag room mates kayo ?" nakahinga ako ng maluwag.

"Bata pa siya nung mahuli niya ako"

"Tapos ?"

"Naging magkaibigan kami"

"Tapos ?"

"Naging kaibigan ko siya hanggang sa mawala siya"

"Boring" naiinip na sabi niya tapos tumalikod.

"Bakit mo tinatanong ?"

"Wala kasi bata pa ako ng mawala siya" oo nga pala nakita ko siya nung araw na iyon ng mawala si Jessica.

Jessy's POV

Boring naman kausap ni Allen kaya bumalik ako sa computer ko para simulang manuod.

"Ano yan ?" tanong ni Allen habang papalapit at umupo sa tabi ko.

"Fast and Furious 7" dinownload ko lang kasi may high definition copy na sa internet.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon