Resser's Territory

26.1K 985 30
                                    

Jessy's POV

Nandito ulit ako sa may cafeteria, hindi naman ako lasing pero feeling ko may hangover ako kagabi. Sa lahat ba naman ng nalaman ko na until now di parin nagsisink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari.

Yung ginawang pag kiss at pag-amin sa akin ni Brix, ngayon alam ko na that he likes me. Di ko nga alam kung anu ang gagawin at sasabihin ko sa kanya pag nagkita kami e.

Lahat yun inisip ko ng buong magdamag, kaya nga ang sakit ng ulo ko ngayon kasi 2 hours lang ang tulog ko. WTF! diba?

And lastly, di ako sure kung talagang si Allen ba yun. Pero di ba may evidence na ako tsaka sabi ni Allen matagal na siyang nakulong sa kamang yun so maybe .. argh ! naguguluhan na ako tapos di ko pa nasasabi sa kanya iyon.

"Jes!" para akong natanggalan ng kaluluwa ng marinig ko yung boses ni Brix.

Kasasabi ko lang diba di ko alam yung gagawin ko.

Nilingon ko siya at pilit na ngumiti, umupo siya ng nakangiti sa tabi ko.

"Hi" bati niya.

"Hi din!" sagot ko.

"May car race daw sa saturday ah" topic niya.

Oo nga pala bukas na pala iyon.

"Sasali ka?" tanong ko sa kanya.

"Nope"

"Bakit?"

"May lakad ako bukas family gathering" nakangiting sabi niya.

"Ah taray!" inferness di niya binabanggit yung nangyari kagabi buti naman di ko alam ang sasabihin ko e.

"Yeah kailangan kompleto kami it's my grand-grand lola's birthday"

"Grand-grand lola?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi lola ko siya sa talampakan, do you believe that she's still alive and she's turning 125 tomorrow" nakangiting sabi niya.

"Really?" namamanghang sabi ko.

"Yeah kaya kailangan kompleto kami cause baka ito na yung last birtday niya"

"Why?" nalungkot ako bigla.

"Cause she's getting weaker, machine na lang ang bumubuhay sa kanya"

"Then let her go na lang kesa naman sa mahirapan pa siya"

"Because she doesn't want too"

"Why?"

"Sabi may unfinished business pa daw siya kaya she can't die"

"Nakakapagsalita pa siya?"

"No but she can move her mouth, yung lola ko she knows lip reading kaya naiintindihan niya"

"Ang galing" tango-tangong sabi ko kay Brix.

Oh wait! Shes 125 right?

"Brix saang side mo siya lola?" mabilis na tanong ko kay Brix.

"Sa mom ko"

So Resser siya! Maybe she knows the Allen in the picture.

Alam ko malayo sa edad ng lola niya na 125 yung year na 1568, pero malay mo diba? I have to take the chance.

Pero how? Paano ko mamemeet yung grand-grand lola ni Brix para tanungin?

"If you want, you can come" sabi sa akin ni Brix na parang naging sagot na sa problema ko.

"Okay lang?" tanong ko.

"Gusto mo?"

"Ah--oo kasi na amaze ako sa kwento ng grand-grand lola mo hehe!" palusot ko.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon