Saving Him

24.4K 1.1K 92
                                    

Jessy's POV

Patuloy lang ako sa pagtakbo habang si Kristoff nakasunod naman sa akin. Hindi na kasi namin maipasok yung car dahil sa sobrang siksikan ng tao dito sa divisoria kaya iniwan na lang namin iyon doon.

Hindi ako halos makaalis sa kinakatayuan ko kasi bumper to bumper din yung mga tao, konting lakad lang ang nagagawa ko dinaig pa yung bagal ng prosisyon.

Nauubos na ang pasensya ko, sobrang pinagpapawisan na ako pero halos konti pa lang ang nailalayo ko.

"Jessy !" sigaw sa akin ni Kristoff, paglingon ko sa likod ko ang layo niya pala sa akin.

"Mauuna na ako, see you na lang sa shop na iyon" sigaw ko sa kanya tapos hinawi ko yung mga tao sa daanan ko and I walk as fast as I could, I can't run e.

Naririnig ko ngang naiirita na sa akin yung mga taong hinahawi at tinutulak ko, halos iba nga sa kanila minura na ako eh ! Pero wala akong pake ang tanging gusto ko lang makapunta sa shop na iyon at makita si Allen to bring back to us.

"Ate alam niyo po ba yung second hand shop dito?" pigil ko sa aling naglalakad.

"Maraming ganyan dito hija hanapin mo na lang" sagot niya tapos umalis.

Nagpatuloy na ako ulit sa paglalakad ko habang palingon-lingon sa paligid at hinahanap yung bvllsht second hand shop na iyon !

Kristoff's POV

Kahit kailan talaga boset din yang si Jessy e, iniwan ba naman ako ? Lupet mo e di ko nga kabisado tong lugar na ito, halos anurin na ako ng mga tao papunta kung saan pinilit kong sundan siya bigla naman siyang nawala. Gagayahin ko nga dapat yung ginawa niya kanina e, yung hawiin at itulak yung mga tao kaso baka bugbugin naman ako pag ginawa ko yun, sya oo hindi dahil babae siya.

Kaya napagdesisyunan ko na lang yung smartest thing, yun yung bumalik na lang sa kotse.

Pero teka.

Eh ! Nasaan na ba ako ?

Waaaah Jessy !

Pagkauwi natin ng bahay isusumbong talaga kita kay mom.

Allen's POV

Patuloy parin ako sa pagsunod sa limang lalaking dala-dala yung kama. Saan ba nila ito dadalhin ?

Medyo nasa lugar na kami na konti na lang yung tao kaya mas mabilis na yung paglalakad nila. Bigla akong napahinto nung kausapin ako noong isang lalaking mataba na nagbubuhat din sa kama.

"Hoy ikaw toy !" sabi niya sa akin habang masamang nakatingin.

"Ako po ?" nagtataka at natatakot na tanong ko.

"Sino pa ba, kala mo ba hindi ko nahahalata ? Kanina mo pa kami sinusundan" sabi niya sa akin kaya lalo akong kinabahan.

"Hindi naman po" sagot ko.

"Tingin mo sa amin maloloko mo ?" sabi nung isang lalaki tapos binaba nila yung kama at lumapit sa akin.

Napaatras ako sa paglapit nilang lima sa akin. Anong balak nilang gawin ?

"Budol-budol gang ka no ?" sigaw sa akin nung isa.

"Ano po iyon ?" natatakot na sabi ko.

"Di mo kami maiisahan, matagal na kami dito sa divisoria" sabi nung isa habang pinapatunog yung mga daliri niya sa kamay.

"K-kasi po b-balak ko po bi-lhin yu-ng kama" utal na sabi kong nung malapit na sila sa akin.

"HAHAHAHAHAHA !"

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon