The Scientist

16.1K 656 49
                                    

Kristoff's POV

Nakita ko ang papaalis na sasakyan na minamaneho ni Jessy. Ang astig niya talagang magdrive, sana maging kasing astig niya ako soon.

Pagtingin ko sa paligid lahat naguguluhan parin sa nangyari, wala ng kasal na naganap at naging isang runnaway bride ngayon si Jessy.

Pagpasok ko ng church nakita ko si Brix na nilalapitan ngayon ng mom at lola niya, kalmado lang siya at nakangiti samantalang worried naman sa kanya yung mga taong nasa paligid niya.

"Ayus ka lang dude ?" tanong nung Bam.

"Ace what did you do ?" tanong naman ng mom niya.

"Ace apo are you alright ?" tanong ng lola niya.

"Hey guys ! I'm okay so don't worry about me, I guess it's not the time for me to get marry now" nakangiting sabi ni Brix.

Nakakabilib siya. Alam ko kung paano niya tignan si ate kanina at alam kong mahal niya talaga si Jess pero hinayaan niyang iwan siya nito at pumunta kay Allen ngayon.

Ganito ba talaga yung mga tao pag-naiinlove ? Nakakatakot.

Nakita ako ang bouquet ng bulaklak na nasa sahig na binitawan ni Jessy kanina, pinulot ko ito at tinignan ng makakita ako ng isang anino sa likod ko lumingon ko at si Nica pala ito.

"Oh sayo na lang" sabi ko.

"T-alaga ?" nagaalinlangan na tanong niya.

"Oo" sabi ko.

"A--e thank you" sabi ni Nica sabay tanggap ng bulaklak.

"Nakakahiya na nandito parin ako" sabi ko.

"Bakit naman ?" tanong niya.

"Matapos ba naman na iwan ng ate ko yung pinsan mo dito sa kasal nila e, diba nakakahiyang nandito pa ako" sabi ko.

"Di naman, nakita naman nating lahat na si kuya Brix yung hindi nagpakasal sa ate mo e, pero bakit kaya ?" sabi niya.

"Nang dahil kay Allen" sabi ko.

"Ha ? Bat nadamay si kuya Allen ? Oo nga din pala matagal ko na din siyang hindi nakikita" sabi niya.

"Yun yung mahal talaga ni ate" sabi ko.

"Talaga ? Hala di ko alam, paano ?" sabi niya.

"Long story. Sige alis na ako, bye" sabi ko sabay alis.

"Teka saan ka pupunta ?" pahabol na tanong niya.

"Sasama muna ako doon kina ate Katie" sabi ko tapos naglakad na ako paalis.

Jessy's POV

Huminga ako ng malalim at sa wakas nakita at nahanap ko na din siya. Hinihingal pa ako pero mas nangingibabaw yung kabog ng dibdib ko na sobrang bilis talaga.

Nakita ko siya, nandoon at nakahiga, natutulog siya ng mahimbing at mapayapa na sobrang sarap niyang tignan.

♬♪Come up to meet you, tell you I'm sorry. You don't know how lovely you are♪♬

Sa konting panahon lang na hindi ko siya nakita, bakit ang laki na agad ng pinagbago niya ? Tumulo bigla ang luha ko pero pinunasan ko agad ito gamit ang palad ko.

Pumayat siya ng kaunti, naging maputla na din siya na kitang-kita sa kanyang labi, halatang nanghihina siya ngayon, matamlay at may sakit.

♬♪I had to find you, tell you I need you, tell you I set you apart♪♬

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon