Magic Of Love

24.9K 1K 86
                                    

Allen's POV

Pangalawang beses naman nato bakit hindi ka pa masanay, aalis siya iiwan ka niya pero ayun naman yung mas tama diba ?

Kung ano pa yung tama ayun pa yung kadalasang mas mahirap gawin.

Bakit hindi ko kayang gawin ulit? Parang kagaya lang kay Jessica to, mas magiging masaya at okay siya.

Nakaupo lang ako sa sahig habang nakayuko, nakikita ko lang ang pagpatak ng luha ko sa sahig ng bodegang ito.

Nakakapagod din pa lang umiyak.

Sumilip ako sa may bintana ng bodega, kung saan pag silip mo lupa agad sa may garden yung makikita mo.

Oh God! Nakita ko siya! Nakita ko na naman siya.

Nakatayo siya at nakaharap sa bahay ng umiiyak, ang sakit, ang sakit-sakit ng wala kang magawa at ang mas malala ay ang alam mong ikaw ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Pinunasan niya yung luha niya at unti-unti na siyang umaalis, dapat pala hindi ko na lang ulit siya nakita. Hindi ako makahinga at patuloy lang sa pagpatak yung mga luha ko, para akong napako sa kinakatayuan ko ng makita kong aalis na siya.

"JESSY! JESSY WAG!" sigaw ko habang nakakapit sa mga bakal ng bintana, hindi niya ako naririnig dahil may salamin na nakaharang.

Naglakad lang siya ng nag lakad palayo.

"JESSY!" sigaw ko.

Tumakbo ako papalapit sa pintuan at pinilit na buksan iyon, may nakita akong bakal kaya ginamit ko iyon para sirain yung pintuan. Nang masira ko iyon tumakbo ako kaagad --

Jessy's POV

Lumingon ako ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko mula sa bahay. Napatingin ako sa lahat ng bintana ng bahay pero wala akong nakita, huli kong tinignan yung bintana ng bodega na malapit sa sahig pero wala namang tao.

"Guni-guni mo lang yun" sabi ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa paglalakad, bawat hakbang palayo ako ng palayo. Ang totoo binabagalan ko talagang maglakad ngayon.

Bakit umaasa ka pang pipigilan ka niya?

Allen's POV

Tumakbo ako palabas pero tumalsik lang ako papasok, naramdaman ko ang sakit ng pagtama ko sa kama pero di ko na ininda iyon. Napatingin ako sa binagsakan ko nakita ko na naman yung taling nakaugnay sa akin sa kamang ito. Nakikita ko lang ito kapag gusto kong makawala sa pagkakagapos dito.

Napatingin ako sa pintuan at pumatak na naman yung luha ko, impossible na ata na makaalis ako dito.

"JESSY!" sigaw ko.

Jessy's POV

Napalingon ako ulit, may tumatawag talaga sa pangalan ko at parang boses ni Allen yun. Tumigil ako para makasiguro na maririnig ko na ng klaro iyon.

"JESSY!" narinig ko na.

Klarong-klaro tinatawag niya ang pangalan ko, naririnig ko sa boses niya yung sakit, parang umiiyak at nagmamakaawa sa akin na huwag akong umalis. Napahakbang ako ng isa pabalik sa bahay pero huminto din ako.

"Tama na Jessy" bulong ko sa sarili ko.

Bawat hakbang at desisyon ko sa buhay hindi ko pinag-iisipan kaya sa huli mali at nasasaktan lang ako kaya ngayon mag-iisip ko.

Pumihit ako patalikod at nagsimula ulit maglakad papalayo sa kanya, buhos lang ng buhos yung luha ko para akong sinasaksak kasi totoo na itong sumusuko na ako.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Where stories live. Discover now