So Close Yet So Far

26.4K 958 97
                                    

Jessy's POV

Isang linggo na ang nakakalipas. Matapos ang gabing yun, ang gabi kung saan inihatid niya ako ay hindi ko na siya nakita at nakausap pa. Tinatawagan ko siya at tinitext pero hindi siya nagrereply o sumasagot. Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ni Kristoff na si Kyle na kung saan doon nakikitira si Allen pero ang sabi hindi na muling bumalik pa si Allen doon nung gabi ding iyon.

Mas lalo akong nangamba, napuno ng takot ang puso ko kung nasaan na siya ngayon. Anong nangyayari sa kanya? Iniwan na ba niya ako? Nagpapaalam na ba talaga siya sa akin nung gabing iyon?

Fvck Allen fvck! Bakit?

Puno ako ng pagsisisi ngayon, dapat pala hindi ko siya hinayaang umalis noong gabing iyon, dapat pala pinigilan ko siya, dapat pala nakinig ako sa nararamdaman kong nagpapaalam na siya.

Ang tanga mo Jessy! Ang tanga mo bat di mo ginawa yun!

Isang linggo, nakabalik na kami sa nasunog naming bahay. Yung kama kung saan nakulong si Allen ay siyang kamang ginagamit ko ngayon. Isang linggo na akong nababaliw, nadedepress at umiiyak. Araw-araw, oras-oras, minuminuto at segusegundo ko siyang tinitext at tinatawagan pero wala nauuwi na lang sa bigla na lang akong iiyak.

Damn! nasasaktan ako Allen alam mo ba yun?

Napapansin na nila mom at Kristoff ang nangyayari sa akin, sinubukan nilang tanungin ako pero wala ako sa wisyo para magkwento at sumagot dahil mas nasasaktan lang ako.

Naglalakad ako sa hallway ng campus nang may nakita akong lalaking naglalakad at nakatalikod sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko .. Allen?

Mabilis akong naglakad at hinabol siya, mabilis din siyang maglakad kaya sumigaw na ako.

"Allen!" sigaw ko habang pilit na inaabot siya.

"Bakit miss?" nagtatakang tanong ng lalaki nung mahawakan ko siya sa balikat.

Hindi siya si Allen, nanlumo ako.

"Jessy what happen bakit mo siya hinahabol?" tanong ni Katie na sinundan pala ako.

"Wala" sagot ko.

"Wala? Haller! If it is nothing why are you acting like that? Kala mo ba hindi ko nanonotice you are obviously depress!" nag-aalalang tanong sa akin ni Katie.

Di ko siya sinagot at naglakad na lang ulit.

Allen alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon? Nababaliw na ako dumating na ako sa point na wala na akong mailuha.

Umiling ako. Hindi Jessy, alam mo yung pinagdadaanan niya ngayon nahihirapan siya, mas nahihirapan siya kaya maging understanding girlfriend ka. Hanggang di niya sinasabi na tapos na kami hindi ako susuko, maghihintay ako hanggang sa bumalik ka.

Ang tanging gusto ko lang naman e yung malaman na andyan ka lang e, na kailangan mo lang ng panahon, na babalik ka din kasi maghihintay ako. Alam mo kung gaano ako ka walang pasensya pero para sayo Allen kaya ko.

Naramdaman ko na lang yung luhang dumaloy sa pisngi ko, pinunasan ko iyon kaagad. Naiinis ako sa sarili ko bakit ba kasi ako umiyak ng umiyak, di ganun si Allen di niya ako iiwan ng walang pasabe at ganun na lang.

Para kang timang Jessy ang panget mo na! Sabi ko sa sarili ko ng makita ko yung reflection ko sa salamin ng bintana.

"Jes?" narinig kong boses di ako pwedeng magkamali si Brix iyon dahil siya lang yung tumatawag ng ganun sa akin.

"Hm?" sagot ko habang umaaktong okay lang ako.

"What happen?" nag-aalalang tanong niya.

"Nothing" sagot ko.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon