Impossible

20.5K 652 172
                                    

Allen's POV

Ngumiti ako at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko, agad ko itong pinunasan. Balak ko na sanang umalis ng mansion, hindi na lang ako magpaalam kay Lola Isabelle at Tita Tanya at pupuntahan ko na lang si Alexis sa may kotse ko.

"Allen !" tawag sa akin ng pamilyar na boses.

Paglingon ko si Brix nga, ganun parin ang tingin niya sa akin. Ngayon nakatayo kami at magkatapat sa isa't-isa.

"Dapat hindi ka na lang nagpunta" sabi niya.

"Anong ginawa mo ?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Ft"Ha ?" sabi niya.

"Anong ginawa mo sa kanya ?" sabi ko ulit sa walang emosyon na tono.

Di siya sumagot at mukhang nakuha na niya ang sinasabi ko.

"Naka dress siya, straight na yung buhok niya at babaeng babae na ang kilos niya ngayon" sabi ko habang nakayuko.

"Ano bang pinagsasabi mo ?" tanong ni Brix na tila nagtataka.

"Ano ginawa mo sa kanya ha ! Hindi siya yon !" sigaw ko ng napakalakas sa kanya.

Sa sobrang galit naikuyom ko ang kamao ko at mabilis na naglakad sa kanya at hinawakan siya sa kwelyo niya.

"Ano bang problemo mo ! Ikaw yung nag sabi sa akin diba ! Sinabi mo sa akin noong nakalipas na tatlong taon na huwag kong hahayaang makabalik pa siya sa dati niyang buhay !" sigaw na galit na din na si Brix.

"PERO HINDI SIYA YUN ! HINDI KO SINABING BAGUHIN MO SIYA !" sigaw ko habang galit na kinukwelyuhan siya.

"Ano naman ngayon kung ganun na siya, mas hindi na siya makakabalik sa dati niyang buhay !" sigaw niya habang pilit na inaalis ang pagkakakapit ko sa kwelyo niya.

"HINDI MO NAIINTINDIHAN !--" susuntukin ko na dapat siya sa mukha pero napahinto ako, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko na dumaloy sa pisngi ko at dahan-dahan kong ibinaba ang kamao ko.

"KAMUKHANG-KAMUKHA NA NIYA SI JESSICA !!" sigaw ko at mas lalong bumuhos ang luha ko.

Naramdaman ko na lang itinulak ako ni Brix papalayo sa kanya at napaupo ako sa sahig. Wala akong nagawa kundi ang umiyak, naaalala ko sa isip ko yung hitsura niya noong nakita ko siya kanina.

Si Jessica ang nakita ko at hindi si Jessy.

"Dapat di mo ginawa yun !" sigaw ko habang nakayuko at umiiyak.

"Ace ! Allen !" narinig kong sigaw ni Tita Tanya tapos tumakbo siya papalapit sa amin. "What happen in both of you ?" sabi niya at lumapit sa akin.

Pinunasan ko ang luha ko at agad na tumayo tapos tinignan ko si Brix.

"Get out in here" seryosong sabi ni Brix.

"Ace !" sita ni Tita Tanya sa kanya.

Di ako sumagot at nakatingin ako lang sa kanya tapos naglakad siya palabas at sinundan siya ni Tita Tanya.

Naiwan akong nakatayo doon, nang mahimasmasan ako naglakad na ako palabas. Pagdaan ko sa may garden kung saan nandoon ang event nakita ko sila.

Si Brix at si Jessy na masayang magkasama.

Ilang sandali nakita ako ni Brix at tinitigan ako ng seryoso, tumingin lang ako sa kanya tapos naglakad na ako palabas ng mansion.

Alexis' POV

Masyado ng matagal at wala parin si Allen kaya napagdesisyunan ko ng bumaba ng sasakyan at pumasok na lang ulit sa loob. Pagdating ko sa garden nakita ko agad si Allen, tatawagin ko sana siya kaso nakita kong naktingin siya sa malayo at pagtingin ko sa tinititigan niya nakita ko sina Brix at Jessy na nasa stage at masayang magkasama.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon