Brix Ace Resser Asuncion

32.1K 1.2K 55
                                    

Jessy's POV

After two weeks, napagdesisyonan ko ng pumunta ulit ng car race, patago kasi ang car race na ito dahil illegal. Ilegal kasi walang permit ang event na ito, karamihan sa mga racer walang license at yung iba minor pa. Naisipan kong pumunta na rin dito dahil nagsasawa na akong pumunta sa bar. Kadalasan ang aga ko tuloy umuwi dahil wala na akong ibang mapupuntahan.

Palingon-lingon ang mata ko sa field, naghahanap kasi ako ng kakilala ko ng biglang lumapit sa akin si Steph.

"Hi Jessy !" bati niya.

"Hi Steph !" sagot ko.

"Gusto mo mag race ? Tara ikaw ang sumalang, pakainin mo ng alikabok itong si Amber"

Actually gustong-gusto ko sana kaso "I have no car eh !" sagot ko.

"It's okay I have one. Ano game ?"

"Of course, kung sasabihin mong sayo nga iyan at pag nabangga ko wala akong babayaran" sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Sure it's a deal !" sabi niya ng natatawa.

Lumapit ako sa black car niya ng mapatingin ako kay Amber na nakatingin sa nqq din akin, pagkakita ko bigla niya akong inirapan. I'm bitch kaya binigyan ko siya ng isang smile na alam kong maiinis siya. Pumasok na ako sa loob ng kotse at naghanda na.

"Ready ! Get Set ! Gooooooo !"

Matapos kong marinig yon mabilis kong pinatakbo ang kotse, nakikita kong ako ang nauuna sa aming dalawa. Focus akong nagmamaneho ng biglang may bumangga sa likod ng sasakyan ko. Paglingon ko car ni Amber yun.

"Oh ! Shit !" sabi ko tapos mas binilisan ko pa ang takbo ko.

Pagtingin ko sa gilid ko nandoon na si Amber, nagulat na lang ako na binabangga niya mula sa gilid yung kotseng minamaneho ko.

"Are you crazy ?!" sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

Now I finally know, hindi gusto ni Amber na maunahan ako.

EH SIRAULO PALA TO EH ! PAPATAYIN ATA AKO NG HINAYUPAK NA TO !!

Pilit kong binibilisan ang takbo ko, medyo gumigewang-gewang na ako.

DAMN THIS BITCH ! SHE'S A CHEATER !!

Napalingon ako bigla sa kanya, binigyan niya ako ng nakakapang-init ng ulo na ngiti tapos nakita kong mukhang babanggain niya ulit ako. Bigla akong prumeno kaya napunta ang kotse niya sa kabila pero nasanggi ng likod ni kotse niya yung harapan ng kotseng minamaneho ko.

Nararamdaman kong tumatalsik patalikod yung kotse ko habang siya tumatalsik papunta sa gilid, direksyon sa may kanan. Ramdam ko ang pagbangga ng kotse ko sa may pader nakita kong bumangga narin ang kotse niya, medyo nahihilo ako ngayon buti na lang talaga at naka seat belt ako.

Umiikot na ang paningin ko, nakakarining ako ng mga paparating na kotse, nakakaaninag ako na may humintong kotse sa sasakyan ni Amber para kunin siya, paglingon ko may dilaw na kotse ang huminto sa sinasakyan ko. Bumukas yung pinto at may lalaking pumasok, di ko makita yung mukha niya dahil nagiging blured na ang paningin ko. Dali-dali niya akong binuhat palabas ng sasakyan.

Unti-unting lumilinaw ang paningin ko, si Brix pala yung may buhat-buhat sa akin ngayon. Napalingon ako sa likod ko nakita ko si Amber, may malay na at mukhang nahihilo rin. Bigla kong naalala yung ginawa niya kani-kanina lang.

Hindi ako mabait.

Biglang bumaba ako sa pagkakabuhat sa akin ni Brix, alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Kahit nahihilo parin ako mabilis akong tumakbo papalapit kay Amber.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon