Time Machine 1 of 2

18.6K 765 92
                                    

Jessy's POV

Kung dati umiiyak ako kapag naaalala kita ngayon umiiyak ako oo pero hindi na dahil sa malungkot ako, kundi dahil sa masaya ako at napapangiti pag naaalala kita.

Hinahaplos ko ang lapida ni Allen habang tumutulo ang mga luha ko pero nakangiti ako, lahat ng mga alaala naming masasaya noon nag flaflash sa utak ko ngayon.

Yung ngingiti siya.

Yung tatawa siya.

Yung sa tuwing magsasalita siya.

Yung sa tuwing binibigkas niya ang pangalan ko.

Yung yakap niya sa akin.

At yung sa tuwing naririnig ko ang bawat pintig ng puso niya.

Lahat yun naaalala ko at di ko nakakalimutan ang pakiramdam na parang tila kahapon lang nangyari ang lahat.

"Maraming nangyari Allen, alam mo ba" sabi ko habang patuloy parin na kinakausap siya.

"Sa loob ng 50 years, maraming naganap at marami ding nagbago"

"Hayaan mo sa susunod na pagpunta ko ulit dito ikwekwento ko sayo ang lahat ng nangyari kina Brix, Alexis, Katie, Bam, Steph, Monggi, Nica at Macoy"

"Sure akong matutuwa ka at mapaproud sa ilan sa kanila" nakangiting sabi ko.

"I love you most Allen"

Maraming nagtanong at nagsabi sa akin noon na bakit di ako naghanap o nagmahal ng iba maliban sayo e ang bata ko pa lang naman noon nung nawala ka at isa lang ang sinabi ko -- yun yung dahil sa mahal kita.

Kaya bakit ako magmamahal ng iba kung yung totoo e mahal, minamahal at mamahalin parin kita Allen.

Allen Resser Ford.

Hinaplos kong muli ang pangalan niyang nakaukit sa lapida niya at tumulo muli ang luha ko.

Ilang sandali napatigil ako ng makitang kong tila nag-iiba yung hitsura ng kamay ko. Pinunasan ko ang luha ko at napanga-nga na lang ako sa nakikita ko, inilapit ko ang mga kamay ko sa mata ko at gulat na gulat ako ng makita ko ang unti-unting pagbabago nito.

Ang kulubot kong mga kamay ay unti-unti nagiging bata, tinignan ko ang mga paa at binti ko ganun din ang nangyayari, hinawakan ko ang leeg at ang mukha at naramdaman kong kuminis ulit ito.

Halos di ako makapagsalita sa kakaibang nangyayari sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Parang isang magic na mahirap intindihin, bakit nangyayari sa akin to ?

Napahawak ako sa ulo ko at bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at unti-unting lumalabo at nagdidilim ang mga paningin ko hanggang sa bumagsak na lang ako sa sahig at nawalan ng malay.

And everything went black.




























This is just a teaser.

This is not yet the ending.

Di ito kumpleto,

You can read the whole chapter soon.. mag uupdate na lang ito ulit soon.. pag kumpleto na.

Pinapasuspense ko lang kayo XD

So ano nga bang magiging ending nito ? :)





FB: WRITING IS MY SECRET

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon