Iris

19.4K 703 103
                                    

Allen's POV

Nasa kwarto ko ako at nagsusuot ng sapatos nang biglang may kumatok sa may pinto.

"Come in, Alexis" I said.

"Dadalawin mo ulit sila ?" tanong niya.

"Yeah" matipid na sagot ko.

"Sige ingat Allen" sabi ni Alexis tapos tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko.

Pagsakay ko ng kotse nagdrive agad ako papunta sa isang flower shop. Matapos kung bumili ay dumiretso agad ako sa sementery.

Naglalakad ako habang papunta sa puntod nila habang bitbit ang isang basket na bulaklak.

Nang makarating ako sa puntod nila, inilapag ko yung bulaklak sa tabi at umupo tapos inalis ko yung mga tuyong dahon na tumakip sa mga puntod nila. Nakatingin lang ako sa kanila at nagdarasal.

"Allen ?" natigilan ako ng makarinig ako ng boses na binanggit ang pangalan ko.

Kahit hindi ko lingonin kilala ko kung sino iyon at si Jessy iyon.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, nakatingin siya sa akin at nakadress siya habang may bitbit na bulaklak, ilang sandali ngumiti siya sa akin kaya napatayo ako.

"Sorry siguro nagtataka ka kung bakit alam ko pangalan mo, tinanong ko kasi sa isa sa mga kasambay sa bahay ni Lola Isabelle sabi nila ikaw si Allen at pinsan ka ni Brix" sabi niya sa akin.

Tumango ako sa kanya at daraanan na sana siya para umalis pero nagsalita ulit siya.

"Kilala ba kita noon ?" tanong niya kaya napatigil ako at nilingon ko ulit siya.

"Hindi" sagot ko.

"Pero bakit nandito ka at dinadalaw ang pamilya ko ?" tanong niya.

"Kilala ko sila pero hindi tayo magkakilala, nabalitaan ko kasi na namatay sila sa aksidente kaya dinadalaw ko sila" sabi ko.

Tumango siya at ngumiti "Pasensya na tinanong pa kita, may amnesia kasi ako dahil sa isang aksidente" sabi niya kaya tumango ako.

Nakita kong inilagay niya yung mga dala niyang bulaklak sa tabi ng puntod ng mga pamilya niya. Ilang sandali nagulat ako ng bigla siyang umiyak.

"Kahit sila di ko maalala, isang araw nagising na lang ako na wala na akong maalala at wala na akong pamilya. At ngayon nag-iisa na lang ako" sabi niya at patuloy parin na umiiyak.

Pinunasan niya yung luha niya tapos humarap siya sa akin at ngumiti.

"Sorry, nadala lang" sabi niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil ayokong madala at mahalata niya ako tapos inabutan ko siya ng panyo.

"Thank you" sabi niya sabay tanggap ng panyo at pinunasan ang luha niya.

"Sige, aalis na ako" sabi ko tapos tumalikod na pero napatigil ako ng tawagin niya ulit ako.

"Allen sandali !" sabi niya kaya nilingon ko siya. "Pwede bang sumabay sa paglalakad ?" tanong niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango.

Naglalakad na kami papunta sa parking lot kung saan nandoon ang kotse ko at nandoon daw yung driver niya na naghihintay sa kanya.

Malapit na kami sa parking lot ng bigla akong may narinig na kumakanta, pagtingin ko nakita kong huminto si Jessy at pinanood yung babaeng kumakanta habang naggigitara.

"Wait lang panuorin muna natin siya" nakangiting sabi niya kaya tumango na lang ako at tumayo sa tabi niya.

Maraming tao sa paligid na nanonood sa babae, ilang sandali iba naman ang kinanta niya na siyang nagpatigil ng oras sa akin sabay ang malakas na kabog sa dibdib ko.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon