Break The Rules !

29.5K 1K 115
                                    

Jessy's POV

"Saan ka pupunta ?" tanong ni Allen sa akin.

"May tour kasi kami sa school bukas" sagot ko.

"Ganyan kadaming damit talaga ?"

"Three days kasi ako mawawala"

"Ganun ba" sabi niya tapos tumango ako.

Isinara ko yung maleta ko at itinabi sa gilid tapos pumasok ako ng banyo para magsipilyo na.

"Saan ka pupunta ?" tanong ni Allen, nasa likod ko siya at nakikita ko siya sa may salamin.

Nagmumog ako saka nagsalita.

"Sa Zambales, camp namin" sabi ko tapos nag toothbrush ulit.

"Ano yung camp ?"

Nagmumuog ulit ako at hinugasan yung sipilyo ko.

"Yung doon kayo ng ilang days, matutulog kayo sa tent at may gagawin kayong activies" sagot ko.

"Malayo ba yung Zambales ?"

"Medyo" sabi ko matapos magpunas ng bibig.

"Masaya ba doon ?"

Humarap ako sa kanya bago magsalita.

"Boring doon" tapos umakyat na ako ng kama ko.

Sinundan niya ako at tumayo sa gilid ko.

"So bakit ka pupunta ?"

"Required eh ! Three days in hell" sabi ko tapos nagkumot at pumikit na ako.

Dumilat ako ng maramdaman kong parang nandoon parin siya sa gilid ko, pagdilat ko nandoon pa nga siya.

Lubdub ! Lubdub !

Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at ang lapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Bakit ?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Hihintayin ko lang na makatulog ka" sabi niya tapos inihiga niya yung ulo niya sa kama ko.

"Tulog na" sabi niya pa.

Lubdub ! Lubdub !

"A-eh ! Okay" tapos nagmamadali akong pumikit.

Actually nga hindi na nga ako makatulog eh.

"Jessy" bulong niya kaya dumilat ako.

"Bakit ?"

"Tatlong araw lang diba at babalik kana ?" nagtaka ako sa tanong niya.

"Oo naman tatlong araw lang at babalik na ako" sabi ko pero patuloy lang siya na nakatingin sa akin.

"Pangako" dagdag ko tapos bigla na lang siyang ngumiti.

Bus.

"Jessy here !" sigaw sa akin ni Katie kaya lumapit ako.

"Kanina pa ako hanap ng hanap ng bus natin sht !" naiinis na sabi ko.

Tapos umakyat na kami ng bus, itataas ko na dapat yung gamit ko sa compartment ng bigla may kumuha nito sa akin.

"Brix ?" gulat na sabi ko.

"Hi Jes !" nakangiting sabi niya habang inilalagay yung gamit ko.

"Bakit ka nandito ? Business Ad. student ka diba for IT student itong bus na ito" sabi ko.

"Aw ! Ayaw mo nun nandito ako, tsaka I'm yours right until the next race?" tapos umupo siya.

Aalis na dapat ako para umupo pero hinawakan niya ako sa braso ko.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon