Prologue

167 16 12
                                    

"Ako nanaman!? Ako nanaman ang mali!? Gusto ko lang naman ay kunin ang gusto kong kurso pero bakit ba ayaw n'yo 'yun para sa'kin?" sigaw ng babae na umiiyak habang kausap ang kaniyang Ina.


Kanina pa sila nagtatalong dalawa dahil sa gustong kursong kunin ng kanyang anak na babae. Hindi nakikinig ang babae sa kanyang Ina dahil gusto n'yang iparating dito ang gusto n'yang kurso para sa sarili.


Kahit anong paliwanag n'ya sa Ina ay ayaw talaga nito pumayag! Kahit anong pilit n'ya sa Ina ay hindi n'ya ito mapapayag. Buo na ang desisyon ng Ina para sa kanyang anak. Gusto n'ya lamang ay ang ikabubuti nito.


Simula nang mamatay ang ama nito ay naging mahirap na sakanilang mag-ina ang mamuhay kahit pa nasa kanila na ang lahat. Galit ang babae sa kanyang ama dahil sa mga nalaman n'ya tungkol dito. Ang akala n'ya ay maayos at mabait ang kanyang ama pero mali pala iyon.


"Hindi iyon makakabuti sayo! Ang gusto kong kurso na kuhanin mo ay yung kursong gusto sayo ng ama mo!" sabi ng kaniyang Ina ngunit pinagpipilitan n'ya parin ang lahat ng gusto n'ya.


"Eh, sa ayaw ko nga no'n! Ayoko pumasok sa pulitika kagaya n'ya! Ang gusto ko ay ang maging isang accountant!" pagpapaliwanag ng anak.


Lumakad ang Ina papalapit sa anak ngunit umatras ito habang tumutulo ang luha sa kaniyang mata. Hindi maintindihan ang dahilan ng kanyang Ina para pasukin ang mundo kung saan nagtrabaho ang kanyang ama.


Kung saan naging dahilan ng pagkamatay nito...


"Maraming naiwan na proyekto ang ama mo! Maganda ang serbisyo n'ya sa mamamayan kaya alam kong magiging katulad ka rin n'ya! Just please! Listen to me!" panghihikayat ng Ina.


Natahimik ang anak na babae at natawa sa sinabi ng kaniyang Ina.


"Magandang serbisyo?" tanong nito. Kita ang lungkot at pagsusumamo sa mata habang nakatingin sa litrato ng ama na nasa dingding ng bahay.


"Kung maganda ang serbisyo n'ya ay bakit s'ya pinatay!? Bakit s'ya kinulong!? Bakit maraming galit sakanya!? Mom! Pinapatay n'ya ang isang Senador para lang sa pwesto! Tapos sasabihin mo na magandang serbisyo!? No! He's a Monster! Nothing but a Mon-"


Hindi na n'ya natapos ang kanyang sinasabi dahil sa isang malakas na sampal na iginawad sakanya ng kanyang Ina na nagpatahimik sakan'ya. Hindi s'ya makapaniwala na napagbuhatan s'ya nito ng kamay!


Ito ang unang beses na nangyari iyon sakanya...


"Hindi ka namin pinalaking bastos, Claridad! Kung makapagsalita ka sa ama mo ay parang 'di ka n'ya binuhay at pinalaki! Kailan kapa nawalan ng respeto, Ha!?" malakas na sigaw nang Ina sakanya na lalong nagpaiyak sakanya.


Kahit na nasaktan s'ya sa ginawa ng Ina ay hindi s'ya nagpatalo sa kanyang takot.


"Hindi ba kayo galit sakanya!? Mom! N-nagpa-patay s'ya! Hindi n'yo ba naintindihan!? Gumawa s'ya ng illegal na gawain at kayo pa mismo ang nag-sabi n'on sa'kin! Pero bakit ganto!? bakit kayo pa ang nagtutulak sa'kin para maging kagaya n'ya!?"


"Hindi mo kasi naiintindihan!"


"Ang alin!? Mom? Ang alin ang hindi ko naiintindihan!? Malinaw ang lahat! Now, if you're going to force me then I'll just leave!" sabi nito bago tumakbo palabas ng kanilang mansyon. Tinawag s'ya ng kanyang Ina ngunit hindi s'ya doon nagpatinag.


"Claridad Abella!" sigaw ng Ina ngunit 'di n'ya ito pinansin.


Sumakay s'ya sa kotse at pinaharurot ito palayo sa bahay nila. Kahit hindi marunong magmaneho ay pinilit n'yang makalayo doon. Wala na s'ya sa kanyang sarili dahil ang gusto na lamang n'ya ay ang makalayo at mapag-isa.


Humaharurot ang kotse at 'di alintana ang mga stop light na nadadaanan. Patuloy na umaagos ang luha n'ya at inaalala ang sakit ng mga salitang binitawan ng kanyang Ina.


Hindi s'ya makapaniwala! Akala n'ya ay kapag nawala na ang kanyang Ama ay magbabagong buhay na sila at matatahimik pero hindi iyon nangyari. At gusto pa ngayon ng kanyang Ina ay ang sumunod s'ya sa yapak ng kanyang namayapang ama.


Sa isip-isip ni Claridad ngayon ay kung pipilitin din naman s'ya sa bagay na 'di n'ya gusto, mas gugustuhin n'ya nalang mawala sa mundong ito kaysa sa sundin ang gusto ng kanyang Ina na nabulag na sa katotohanan.


Patuloy ang luha ni Claridad at ang pagdiin n'ya ng apak sa gas ng sasakyan. Lalo itong bumilis hanggang sa mawalan s'ya ng kontrol dito. Nagpaikot-ikot ang sasakyan n'ya sa kalsada ngunit wala s'yang ginagawa para isalba ang sarili n'ya.


'Kung ito na ang kapalaran ko......Tatanggapin ko ito ng buong-buo'


'I'm tired...'


Nagpatuloy sa pag-ikot ang sasakyan n'ya hanggang sa tumama ito sa poste.


Ang huli n'yang nakita ay ang duguang katawan na nakatingin sakanya at humihingi ng tulong para maisalba ang kaniyang buhay.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum