Chapter 18

35 5 0
                                    

Losing hope

Claridad's POV

Nagising ako na nasa higaan ni Simone. Tinignan ko ang paligid at nakita na wala s'ya doon.

Tumayo ako at nag-suot ng tsinelas bago lumabas ng kwarto. Tahimik ang paligid kaya pumunta ako sa sala.

Nakita ko s'ya na mahimbing na natutulog sa sofa. Sa laki n'ya at tangkad ay lagpas na ang paa n'ya doon.

Naalala ko ang pinag-usapan namin kagabi. Pumunta ako sa bag ko at inilabas ang aking wallet. Binuksan ko iyon at tinignan ang maliit na papel na nakaipit doon.

Kinuha ko ito at binasa. Ito ang address na nakuha ko sa drawer ni Mom. Nang makausap ko si tito about sa nangyari kay daddy ay palihim akong pumunta sa office ni Mommy noong wala s'ya.

Nag-hanap ako ng record at nakita ang file kung saan nakatira ang pamilya ng naaksidente. A 23 man. His name was Anthony S. Castro.

Hindi ko mabasa nang maigi ang middle n'ya dahil natapunan ata ang papel kaya lumabo at nagulo. Atleast I know his surname and name. That would be enough for me.

"Good morning" rinig ko mula sa sofa.

Nilingon ko s'ya at nakita na nag-kukusot pa s'ya ng mata. Nang tignan n'ya ako ay agad s'yang ngumiti. Napunta ako paningin n'ya sa hawak kong papel dahilan para lumapit ako sakaniya at ipakita iyon.

"Here's the address. May gagawin ka ba today? If meron ay ako nalang ang aalis" sabi ko.

Kahit maga pa ang mukha dahil bagong gising ay nagawa n'yang sumimangot.

"No, Sasama ako. Give me that" sabi n'ya at kinuha ang papel.

Tinignan n'ya iyon bago napatingin sa kawalan. Sandali s'yang natahimik bago ibinalik saakin ang papel. Isang maliit na ngiti ang lumabas sakaniyang labi.

"Okay, kung ito ang gusto mo ay sasamahan kita." sabi n'ya bago tumayo at pumunta sa bathroom.

Napa-upo naman ako sa sofa at pinakawalan ang malalim kong paghinga. Natatakot ako pero kailangan kong gawin ito.

Tumayo ako para pumunta ng kitchen. Binilisan ko ang galaw ko dahil alam ko na kapag nakita n'ya akong nag-aasikaso ay papatigilin n'ya ako.

Nag-handa ako ng egg, hotdogs at bacon. Naghanda din ako ng toasted bread at nagtimpla ng kape. Hinanda ko iyon sa lamesa at saktong nakatayo na s'ya sa pinto nang makaupo ako.

Ngumiti ako at tinuro ang mga pagkain. "Let's eat" sabi ko.

Mangha s'yang tumingin sa lamesa. Tila hindi makapaniwala sa nakikita. Nakangiti s'yang pumunta sa upuan n'ya at tumingin saakin. "You made all of this?" He asked.

Tumango naman ako at bahagya pa na umirap dahil sa biglang hiya na naramdaman. Kumuha na ako ng pagkain at nilagyan ang plato n'ya.

"Are you sure about that?" bigla n'yang tanong.

Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain at napatingin sakaniya. Binibigyan n'ya na ako ngayon ng kakaibang tingin. Napalunok ako bago tumango. "For me to be free, is to let go the past, Simone."

Nakatingin lamang s'ya saakin. Tingin na parang inaaral ako kung sigurado ba ako sa aking sinasabi. "What I did to Anthony is a mistake I cannot undo anymore. And for me to be free is to have the forgiveness from his family."

"Who?" He suddenly asked. Tinignan ko s'ya. Tahimik lamang s'ya at wala akong mabasa na ekspresyon sa kaniyang mukha.

"A-anthony. The guy.." Hindi ko magawang ituloy ang sinasabi ko.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon