Chapter 6

52 6 3
                                    

Chapter 6: Thoughts

Claridad's POV

"Maupo ka muna." saad ni Simone.

Inalalayan n'ya akong umupo sa upuan dito sa Coffee shop na lagi kong pinagtatambayan. Kunot noo n'ya akong tinitignan at sinusuri ang buong katawan ko. Hindi ko naman maiwasang mahiya dahil nakita n'ya ang nangyari saakin.

Ano nalang iisipin n'ya? Nakita n'ya akong pinagkakaisahan nila Ashley. Kakakilala ko palang sakaniya pero ilang beses na n'ya agad akong tinulungan.

S'ya ang nag liligtas saakin kapag nasa alanganin ako. Gusto ko nalang manliit at tumakbo pauwi dahil sa kahihiyan.

"Hintayin mo 'ko dito. Lalabas lang ako sandali" seryoso n'yang sabi.

Wala naman akong nasagot pabalik sakaniya dahil sa kaba. Tinignan ko s'yang lumabas ng coffee shop. Nang makita s'yang lumabas ay napabuntong hininga nalang ako sa aking kinauupuan.

Tinignan ko ang katawan ko at nakita ang mga galos sa braso. Sinubukan ko itong hawakan pero napangiwi lang ako dahil sa hapdi. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinignan kung nag text na ba ang Driver ko.

Pagbukas ko ng cellphone ko ay nakita ko ang text n'ya na nasa labas na s'ya ng coffee shop. Tinext ko na kasi s'ya kanina dahil alam kong hahanapin n'ya ako. Nireplyan ko s'ya at sinabing saglet lang.

Nasa pinaka dulo akong upuan nakaupo. Malayo sa side kung saan kita ang parking. Pader din ang nasa gilid ko at hindi glass na kita ang labas.

Hihintayin ko pa kaya s'ya? Grabe na ang naidulot kong gulo sakaniya. Ayoko naman na isipin n'yang obligado s'yang tulungan ako.

Kahit gulo ang isip ay napag desisyonan kong hintayin nalang s'ya gaya ng sabi n'ya. Kahit medyo masakit ang katawan ko dahil sa mga galos na natamo ko dahil sa nangyari kanina ay pinilit kong tumayo at pumunta sa counter.

Umorder ako ng dalawang kape para saamin ni Simone. Bibilhan ko na s'ya ngayon dahil iyon ang sinabi ko sakaniya kaninang umaga.

Pagkatapos nito ay wala na akong utang sakaniya at pwede ko na s'yang hindi kausapin. Balik na ako sa normal kong buhay.

Saktong pagdating ng order ko ay ang pagdating ni Simone. Malamig ang tingin n'ya sa baba habang naglalakad. Nang umangat ang tingin n'ya saakin ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Naging malambot at wala  na ang mabigat na aura na madalas kong maramdaman kapag nakatingin s'ya saakin.

"Here"

Umupo s'ya sa upuan na nasa harap ko. Inusog n'ya ang upuan n'ya para lumapit sa upuan ko. Tinignan ko s'ya nang may hugutin s'ya sa bulsa n'ya. Nilabas n'ya ang band aid na binili n'ya.

Binuksan n'ya ito at tsaka nilahad ang kamay sa aking harap. Tinignan ko naman 'yun ng nag-aalangan. Tinignan ko muna s'ya bago binigay ang kanang braso ko. Dahan-dahan n'yang inilagay ang band aid sa maliit na galos sa akin braso malapit sa kamay.

Nilagyan n'ya din ang nasa daliri ko na nagkagalos dahil sa pagbagsak ko kanina. Nang matapos ang nilalagay n'ya ay tinignan n'ya ako bago ngumiti. Nag iwas naman ako ng tingin dahil sa hiya.

"Ayan na ang Kape na gusto mo." sabi ko.

Binalik n'ya sa dating pwesto ang upuan n'ya bago kinuha ang kape at ininom. Kinuha ko din ang akin at sinimulang inumin. Tinignan ko si Simone na nainom ng kape at nakatingin sa kawalan. Napansin ko ang maliit na sugat sa kanyang kamao.

Nangunot ang noo ko at inalala kung nanjan naba iyon kanina. Nung inalalayan n'ya akong maupo ay wala pa iyon. Pagbalik n'ya ay meron na. Nakuha n'ya ata iyon noong lumabas s'ya kanina.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now