Chapter 19

42 4 0
                                    


Forgiveness

Abella's POV

Tahimik kaming bumalik ni Simone sa apartment n'ya. Kahit anong usap n'ya saakin ay tipid ko lang s'yang sinasagot.


Dumiretso ako sa bathroom sa loob ng kwarto n'ya at binabad ang sarili sa malamig na tubig. Nag-lalaro sa isipan ko ang iba't-ibang ideya na hindi ko pagilang dumaloy.


Am I too late?


Huli na ba para saakin na hanapin sila? Hindi ko na ba dapat na hinikayat ang sarili ko sa bagay na hindi naman talaga sang-ayon saakin?


Baka tadhana na hindi ako mabuhay ng payapa at walang puot sa puso. Nakatatak na sa bato na kahit na ako pa ang sumubok ay wala pa ring mangyayari dahil ang tadhana na mismo ang nag-sabi na hindi na ako makakalaya sa nakaraan na ako naman ang may kasalanan.


Naisip ko tuloy, naramdaman din ba ni Mommy ang ganitong pakiramdam? Pakiramdam na wala ka ng magagawa para mabago ang nagawa mo dahil 'yung bagay na iyon ay hindi na mababago.


Mahirap pala ang ganito. Nararamdaman ko ulit ang sarili ko na unti-unting pinapasok ang kwartong hirap na hirap akong buksan para makalabas.


Ngayon na galit ang pamilya saakin ni Anthony at ayaw sabihin o hindi talaga nila alam kung nasaan na ang magulang nito.


Nagpakalayo ba sila dahil hindi nila matanggap ang lahat? Hindi ba nila kaya pa na tumira sa lugar na ito kung saan alam nilang namatay ang kanilang anak?


Magulang sila, alam ko. Kaya ngayon na alam kong wala na akong magagawa ay labis na kumikirot ang puso ko. Gusto kong magsisi at lumuhod sa harapan nila ngayon para patawarin ako.


O kahit hindi nila ako patawarin. Kahit saakin nila ibunton ang hinanakit nila ay tatanggapin ko. Basta lamang ay magkaroon kami ng oras mag-usap.


"Clara?" narinig ko si Simone sa labas ng pinto.


"Hmm?" sagot ko.


"The food is ready" sabi n'ya.


Hindi na ako sumagot dahil ramdam ko na lumakad na s'ya papunta ng pinto. Ilang minuto pa akong nagbabad sa tubig bago nag-bihis. Ipinulupot ko ang aking towel saaking buhok bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto ng bathroom.


Lumakad ako palabas. Tinignan ko ang pintuan na naka-sarado na at sa gilid ng pintuan ay nakaupo si Simone sa sahig na tila kanina pa s'ya nandoon at nag hihintay.


Tinignan n'ya ako at sinuri ang kabuuan. Napabuntong hininga s'ya bago tumayo at hawakan ang braso ko.


"I'm glad you came out. I'll wait for you there, okay? Let's eat together" mahinahon ngunit tunog nag-aalala n'yang sabi.


Hinawakan n'ya ang pisngi ko bago lumabas ng pinto. Hindi naman ako kaagad na nakagalaw dahil sa nangyari.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon