Chapter 4

73 10 2
                                    

Chapter 4: Saved (Week 2)

(Warning: May triggered you, Harm)

A/N : Listen to the audio above while reading!

Claridad's POV

"Uminom kana ng gamot?" tanong ni mom.

Nilalagnat ako pag-uwi ko kagabi at kahit anong gawin kong pagtatago kay mom ay nalaman n'ya parin na may lagnat ako. Todo tago ako sa mga sugat na natamo ko para hindi na s'ya magalit pa at sinabi nalang na naulanan ako sa school kaya ako ganito.

Tumango ako sakanya bago ako nagpunta sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko naman ang pagsarado ng pintuan kaya 'di na ako nag abala pang alisin ang talukbong ko

Pinahinaan ko ang AC sa kwarto ko at nagpatong ng makapal na suot pero giniginaw parin ako! Hindi ko maiwasang manginig sa ginaw at sa sakit na nararamdaman. Nakapikit na lang ako habang dinadama ang init saaking katawan.

Ang lamig! Parang kulang pa ang mga pinagpatong patong kong suot at kumot para mawala ang panginginig ko! Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang yakap ang sarili.

Dinama ko lang ang sakit ng mga nangyari saakin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napilitan akong umalis sa pagkakahiga para abutin ito sa gilid ng aking kama.

From: 09*********

There are wounds that never show on the body that are deeper and more hurtful than anything that bleeds.   - Laurell K. Hamilton

Para akong hindi makahinga sa nabasa ko. Galing ulit ito sa unknown number na nag text din saakin nung isang araw.

Pagkatapos basahin ang text na iyon ay hindi ko alam pero bumigat ang pakiramdam ko. Totoo ang nakalagay doon.

There are wounds that never show on the body. The pain inside you that makes you feel weak.

Nanghihina ako dahil alam ko, sa sarili ko na ganon ako. Nasasaktan ako not just physically but emotionally. I'm holding the pain of my past and that's why I can't be free. Nakakulong na ako sa memoryang iyon.

Anong gagawin ko!?

Nagtalukbong ulit ako ng kumot at tsaka umiyak. Inilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng sakit at hirap na nararamdaman ko.

Kinabukasan ay bumangon ako nang medyo mainit parin. Magang-maga ang aking mga mata pero hindi ko nalang iyon pinansin.

I walked to the bathroom and do my daily routine. Pagkatapos ko maligo ay naghanda na ako para sa pagpasok. Kumuha ako ng jacket dahil nilalamig parin ako.

Gusto ko man na hindi na pumasok pero alam kong kailangan. I don't want to missed anything. Dadagdag lamang iyon na iisipin ko. Wala din naman akong ginagawa dito kaya papasok nalang ako.

Kahit medyo nanghihina ay pinilit kong bumaba sa sala. Naabutan ko si mom na kumakain ng breakfast. Nang makita n'ya ako ay nagulat pa s'ya.

"Akala ko ay hindi ka papasok? Clara! May lagnat ka pa!" Nag-aalala n'yang sabi.

Umupo ako sa tabi n'yang upuan at sinimulang kumuha ng pagkain. Hinawakan n'ya ang leeg ko at naramdaman n'ya nga na mainit pa ako.

"Clara! Just rest for today. You're sick! Kailangan mong magpahinga" sabi ni mom habang hinawakan pa ang mukha ko para makita n'ya ito ng maigi.

"I can't, mom. Papasok po ako ngayon. Don't worry cause I'm okay." sagot ko naman habang nagpatuloy sa pagkain.

Nag-aalala n'ya naman akong tiningnan pero wala din s'yang nagawa. Nagpatuloy kami sa pagkain at sa bilin ni mom na hindi ko gaano napapakinggan dahil busy ako kumain.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now