Chapter 8

49 7 0
                                    

Chapter 8: Picture (Week 3)

Claridad's POV

"Gusto ko lang naman kumanta. Bakit naman umulan" Tila badtrip n'yang sabi.

Tatawa-tawa ko s'yang tinignan. Nakasimangot naman s'yang nakatingin saakin.

"Napangitan sa boses mo yung langit." pang-aasar ko.

Lalo s'yang sumimangot kaya lalo akong natawa. Umalis s'ya sa harap ko at naglakad papasok sa apartment n'ya. Medyo nabasa kaming dalawa dahil naabutan kami ng buhos ng ulan. Nasa labas na kami ngayon ng apartment n'ya.

Nahihiya akong pumasok. Ngayoonn lang ako nakituloy sa ibang bahay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Pasok ka" sabi n'ya.

Sumunod ako sa loob. Pagkapasok ko palang ay namangha na ako sa linis at lawak ng loob. Wala gaanong gamit na nakalagay. Tanging lamesa, upuan at mga lamp lang ang naroon.

Pumasok si Simone sa isang pinto na sa tingin ko ay ang pinto papunta sa kwarto n'ya. Umupo ako sa isang sofa at tinignan ang paligid. Nagdadalawang isip pa akong umupo dahil medyo basa ako.

Nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa. Buti at hindi iyon gaanong nabasa.

Binuksan ko ang text at nakitang galing iyon kay Mommy. Dali-dali ko iyong binuksan at binasa.

Mom: It's raining, Abella. Wag kang lalabas hanggat wala ang driver mo. Baka magkasakit ka. Gusto mo ako nalang ang mag sundo sa'yo sa coffee shop?

Naalerto ako dahil doon. Hindi n'ya ako pwedeng sunduin dahil wala naman talaga ako sa coffee shop. Hindi alam ni Mommy na hindi ako laging nasa coffee shop. Minsan ay nag gagala kami ni Simone.

Alam kong nag-aalala si Mom saakin. Alam n'ya ang karanasan ko at wala akong naipapakilalang ibang tao sakaniya na maituturing kong kaibigan.

Kabado akong nagtipa ng sagot sa text n'ya.

Abella: I'm fine, Mom. Itetext ko nalang po ang driver ko. Alam ko naman na busy po kayo.

Pagka send ko ay ibinaba ko ang cellphone ko at tinignan si Simone na lumabas sa kwarto n'ya na iba na ang damit. May dala s'yang Towel at ibinigay saakin.

"Gusto mo ba magpalit ng damit? Papahiramin kita ng damit ko. Baka magkasakit ka n'yan" sabi n'ya at aastang lalakad na paalis pero pinigilan ko s'ya.

"I'm fine, Simone." sabi ko at bahagyang ngumiti.

Parang nag-aalangan s'ya sa sinabi ko at gusto talaga akong pahiramin ng damit pero sinimulan ko na ang pagpupunas ng sarili.

"Okay, then. I'll just cook something. You can watch tv or anything" sabi n'ya.

Tumango ako bago n'ya ako iwan at magpunta sa kitchen. Nagpunas ako ng sarili. Medyo nabasa ang dulo ng buhok ko. Pumunta ako sa bathroom at naghilamos ng mukha bago lumabas at naglakad sa kabuuan ng Apartment.

Napakaaki nito para sakaniya. Iniisip ko ang lugar na ito ay laging walang tao kapag naalis s'ya at nakatambay sa coffee shop kasama ako.

Sinilip ko ang labas mula sa bintana. Kita ko ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Hindi pa ito humina simula kanina. Hindi ko naman alam kung may bagyo o ano. Siguro ay masama lang talaga ang panahon.

Nang ma bored sa living room ay nagtungo ako sa kitchen. Paglakad ko palang papasok doon ay gusto ko ng umalis.

Napatalon ako sa gulat na makita si Simone na walang suot pang itaas! naka apron naman s'ya pero kahit na! Nakakahiya! Dapat pala ay hindi na ako umalis sa living room at nanood nalang sa TV!

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now