Chapter 14

39 3 0
                                    

Chapter 14: Butterfly

Claridad's POV

Nasa laot na kami ni Simone. Masaya kong pinanonood ang mga isda na lumalangoy. Kakaalis pa lang namin sa lupa pero tanaw ko na ang malalim na bahagi ng dagat kung nasaan ang mga isda.

Mangingisda daw kami sabi ni Simone. Hindi ko maiwasang maging excited. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa dagat. Iniisip ko man si mommy ay masaya din ako na maranasan ito kasama si Simone.

"Ang ganda ng dagat" sabi ko kay Simone nang lumapit s'ya.

Ngumiti s'ya saakin at tumango. Sabay naming pinagmasdan ang asul na dagat.

Napapikit ako nang biglang humangin nang malakas. Isang malambot na balabal ang biglang pumulupot saakin dahilan para matigilan ako. "Saan ito galing?" tanong ko.

"Dala ko" simple n'yang sabi bago ngumiti.

"Salamat" sabi ko bago niyakap ang balabal na iyon.

Mag-aalas tres na ng hapon. Hindi pa lulubog ang araw. Kitang-kita ko pa nang mabuti ang kapaligiran. "Nakapunta kana ba dito?" nakatingin ako sa kawalan nang sabihin iyon.

Hindi s'ya agad sumagot kaya napatingin na ako sakaniya. "Hindi pa,"

"Pero masaya ako na ikaw ang kasama ko sa lugar na ito, Clara. This place is our place from now on" sabi n'ya bago ako tignan sa mata.

"Hindi ka ba nag-sisisi na ako ang isinama mo dito at hindi ang pamilya mo?" malumanay kong sabi habang inaayos ang aking buhok na tinatangay ng malakas na hangin.

"I will never regret anything. Hindi ako magsisisi sa mga minuto na nilaan at ilalaan ko saiyo. I will cherish any minute that I'm with you, Clara." humarap s'ya saakin at may kinuha sa bulsa.

"What's that" I asked.

Binuksan n'ya ang isang maliit na kahon at tumambad saakin ang isang kwintas na may disenyo ng paro-paro. Hindi ako makagalaw saaking kinatatayuan dahil sa gulat.

"I can't accept that, Simone" gulat kong sabi.

"You have to. This will be my gift for you, Claridad." lumapit s'ya saakin at unti-unting inilagay saaking leeg ang kwintas.

"Butterfly...it only had a very short period of time to live," Kinabit n'ya ang kwintas bago inayos ang aking buhok. Napangiti ako sa sayang nararamdaman. "But spreading their wings and letting others know how beautiful they are when they change and let go of who they are before." ngumiti s'ya saakin pagkatapos.

"Thank you, Simone. I really love this." sabi ko bago s'ya niyakap.

Niyakap n'ya din ako pabalik. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko dahil sa saya. "Shine..my star" He whispered.

Shine...my sun. I will shine for you..

Bumitaw kami saaming pagkakayakap at bahagyang natawa. Hinila n'ya ako papunta sa dulo ng bangka. Nagulat ako nang mayroon doong nakahandang mga pagkain. Nandoon din ang gitara n'ya.

"Let's rest. I know you're tired" sabi n'ya bago ako hilahin ulit.

Umupo kami sa sahig kung saan nakahanda ang mga snacks. Kinuha n'ya ang gitara at kinuha ko naman ang isang chips at binuksan iyon. Sinimulan ko kumain habang s'ya ay inaayos ang tono ng kaniyang gitara.

"Anong kakantahin mo?" kuryoso kong tanong.

Tumingin s'ya saakin at kinindatan ako dahilan para mapairap ako sa kawalan. Natawa naman s'ya dahil doon. Umakto s'yang naghahanda dahilan para mapailing ako.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon