Chapter 20

71 5 2
                                    

Goodbye

Claridad's POV

Kanina pa kaming dalawa na tahimik dito. Naka-upo kami sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan. Pinapanood n'ya ang alon na pumunta sa lupa.

"Kilala kita" bigla n'yang sabi.

Kinabahan ako sa paraan n'ya ng pananalita. Matigas ito  dahilan para unti-unting bumigat ang aking pakiramdam.

"Pumunta po ako para humingi ng tawad ng personal," panimula ko.

Nanginginig ang boses ko ngunit wala akong pakialam. Ito na ang pagkakataon ko para humingi ng kapatawaran para parehas kaming makawala na sa nakaraan.

"A-alam ko po na mahirap ang pinag-daanan ninyo matapos iyon. I-ilang taon ko din po iyong dinala  dahil alam ko na ako ang may kasalanan. Gusto ko po kayong harapin pero takot na takot po ako." dugtong ko. Namumuo na ang luha sa aking mata.

Nakatingin lamang s'ya sa dagat habang nakikinig. Siguro ay ayos nalang din iyon para makapagpatuloy ako.

"Mahirap po makatulog sa gabi. Mahirap kumain at magpatuloy sa loob ng apat na taon. Pero ngayon po ay gusto kong hingin ang kapatawaran ninyo kahit lumuhod pa po ako at gawin ang lahat ng gusto ninyo" sabi ko.

"Hindi madaling pagpatawad. Pero para sakaniya ay madali lang iyon. Galit ako sa pamilya mo lalo na saiyo dahil sa ginawa mo sa anak ko," sabi n'ya na parang may inaalala.

"Pero tuwing inaalala ko ang gabi na nagpakita s'ya sa panaginip ko, sinasabi na hindi dapat ako magtanim ng galit at mabuhay ng normal kahit mahirap? Hindi ko mabalewala. S'ya na mismo ang nagpahiwatig na ayos na s'ya. Masaya na s'ya kung nasaan na s'ya ngayon" Tumingin s'ya saakin.

"Mahirap mawalan ng anak. Pero mas mahirap na mabuhay sa galit. Kung masaya na s'ya, dapat ay maging masaya na din ako para sakaniya.." Pinunasan n'ya ang luha sa kaniyang mata.

"Wala, eh. Masyadong mabait ang anak ko sa lahat. Kaya kahit na mahirap, susubukan kong patawarin ka. Dahil alam ko na iyon din ang gusto n'ya na gawin ko para mabawasan ang bigat saakin" Tumingin s'ya saakin at binuksan ang kaniyang palad.

Mayroon doon na pendant. Tinignan ko iyon sa kaniyang kamay. Tumayo s'ya at pumunta sa tabing dagat dahilan para sundan ko s'ya.

"Sa gabing ito, papakawalan ko na ang lahat. Sana ay huwag ka na din mabuhay sa takot at sakit, Iha. Dahil alam ko din na nahirapan ka. Alam ko na inisip mo din sumuko. Pero sabi nga ng anak ko?"

Hinagis n'ya ang pendant sa tubig at tumingin saakin. "Hindi ka magiging matatag kung hindi mo kayang mabuhay kasama ang sakit."

"Hindi mo kakayanin na mabuhay ng maayos kung hindi mo kayang bitawan ang lahat ng nakasakit sa'yo"

Dala ko ang mga salitang iyon habang naglalakad papalapit sa mapunong bahagi kung nasaan si Simone. Huminto ako sa harapan n'ya at sinalubong n'ya naman ako ng isang napaka higpit na yakap.

"I'm proud of you" sabi n'ya sa aking tenga.

Bumuhod ang luha ko dahil ramdam ko na unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Biglang nawala ang tinik sa aking katawan.

Ramdam ko ang pagkawala ng malaking dagan sa akin. "Thank you, Simone" sagot ko.

"Hindi ako magsasawa na paalalahanan ka na napakatatag mo, Clara." sabi n'ya.

Kinagabihan noon ay mahimbing akong natulog sa bisig ni Simone. Hindi ko nagawang tumahan agad dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Kinabukasan ay masaya akong tumayo. Wala nanaman si Simone dahilan para mabilis akong mag-suot ng sandals para sana lumabas at pumunta sa rooftop ngunit nakita ko s'ya na nasasandal sa pader habang tinitignan ako.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon