Chapter 10

48 7 0
                                    

Chapter 10: Hold (Week 4)

Claridad's POV

The past 2 days was the hardest part of my life as a student. May isa akong subject na bagsak! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mom ang nangyari.

Alam kong alam n'ya ang nangyayari saakin but hindi ko maiwasang malungkot. I feel like I'm such a disappointment, a burden. I saw my Mom working 18 hours a day. Even if she's home, she have to answer phone calls and other things related to work.

Ngayon ay pinakikiusapan ko ang prof ko to give me special project just to pass me. Alam kong nakakahiya dahil alam n'ya na isa ako sa active sa class.

"K-kahit anong project po. I'm willing to do anything just to have better grades than to failed, Miss" sabi ko.

Nakatungo ako sa harap ni Miss Torres habang s'ya naman ay mukhang problemado rin.

Tinanggal n'ya ang salamin n'ya at pagod akong tinignan. Lalo akong nanlamig sa kinatatayuan ko. Sobrang baba ng nakuha ko sa subject n'ya. Malayo sa passing score at kulang-kulang ang mga last activity na pinagawa n'ya weeks ago.

"Meron ka bang problema, Miss Thompson? You're one of the top student in my subject but now, what happened?" tunog dismayadong sabi ni Miss Torres.

Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa at umalis ngayon din. Pero iniisip ko ang mga mangyayari. Ayokong bumagsak. This is my last year. Ngayon pa ba ako susuko?

Masa-sayang ang pagtitiis kong pumasok at makinig kahit mahirap. This is the thing that atleast makes me happy. That finally may nagawa akong tama sa buhay ko.

Ang makapagtapos sa pag-aaral.

"Okay, I'll give you a chance since alam ko ang kakayahan mo. Ipapatawag nalang kita para sa Special Project."

Napaangat ang ulo ko nang marinig ang sagot ni Miss Torres. Gulat man ay hindi ko magawang magdiwang. Napatango nalang ako bago sumagot. "Thank you, Miss" saad ko bago nagsimulang lumakad paalis ng lugar na iyon.

Lutang akong naglalakad. Pumasok ako sa room at nagsimulang abalahin ang sarili ko sa iba't-ibang bagay katulad ng pagbabasa.

Ang mga kaklase ko ay nagkukwentuhan sa likod at madalas ko pang naririnig ang pangalan ko doon. Hindi ko na naman sila pinapakialaman dahil alam kong mag kakagulo lang.

Marami silang opinyon saakin. Opinyon na hindi naman kailangan dahil wala naman silang alam. Ganon tumatakbo ang isip nila. Bumabase sila sa kung ano lang ang naririnig nila at nakikita at hindi sa kung ano ang tunay na nangyari.

Ang alam lang naman nila ay magnanakaw si Daddy at nakapatay ng tao. Ang iniisip nila saakin ay nagrerebelde at gustong tumakas sa bahay kahit hindi marunong mag drive. Hindi nila alam kung bakit naging ganon.

Kung sabagay, hindi naman nila kayang mag tanong para malaman ang katotohanan. Mahahalata na ang pagkasabik nilang makuha ang impormasyon kung direkta silang magtatanong.

Nag-angat ako nang makita ang pagpasok ni Miss sa room. Nagsimula ang klase at naging aktibo naman ako kahit hindi ko na alam at nasusundan ang mga sinasabi ni Miss.

"Well done, Miss Thompson." sarkastikong sabi ni Miss.

Ganito na s'ya lagi saakin. Sanay na akong ipinapahiya n'ya at ang mga pang-aasar at sarkastiko n'yang mga salita. Hinahayaan ko nalamang iyon dahil sa huli ay ako parin ang ma mamali kung papatulan ko.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now