Chapter 1

137 12 13
                                    

Chapter 1: Rain

Claridad's POV

"Time of death 11:35 pm" rinig kong sabi ng doctor.

Ang mga taong naiyak at naghihintay sa labas ng kwarto ay biglang sumugod sa loob nang marinig ang inanusyo ng doctor.

Humagulgol sila sa paanan ng namayapa nilang mahal sa buhay. Hindi ko alam pero napakasakit sa puso nilang tignan sa kanilang kalagayan. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari ay nalulungkot parin ako sa sinapit n'ya.

Tila maraming nagmamahal sakanya dahil sa dami ng taong nasa loob ng kaniyang kwarto kahit na ipinagbabawal na ito.

"It's your fault!" rinig kong sabi ng boses sa aking likuran dahilan para mapatingin ako doon.

Napaatras ako saaking kinatatayuan nang makita ang isang duguang tao sa aking harapan.

Malabo ang mukha n'ya kaya hindi ko s'ya makilala pero nakakatakot s'yang tignan sa kanyang kalagayan. Napatingin ako sa aking likuran nang tumama ako sa isang pintuan.

'Room 365 for Miss Thompson'

Nanlalaking mata ko itong tinignan nang makita ang aking apelyedo sa harapan ng pinto. Tinignan ko ang kinaroroonan ng duguang lalaki kanina ngunit nawala na ito doon. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito tsaka tinulak para mabuksan.

"Clara..I'm sorry..baby, please wake up! I know you can hear me...Please hold on! I can't afford to lose you." dinig kong sabi ng pamilyar na boses galing sa higaan.

Wait..Mom? But why is she calling my name? at anong ginagawa n'ya dito?

Lumapit ako sa higaan kung saan ko naririnig ang boses at napatakip ako saaking bibig nang makita ang katawan kong nakahimlay at maraming aparato sa katawan. Umiiyak si mom sa gilid ko habang hawak ang aking kaliwang kamay.

What's happening!? bakit nandyan ang katawan ko!?

"Mom? Can you hear me!? I'm here! right beside you!" sigaw ko kay mom na parang walang naririnig. Sinubukan kong lumapit sakanya ngunit napahinto ako nang makita ang suot kong biglang nag-iiba.

Ang suot kong pajama na terno ay napalitan ng hospital gown! tinignan ko ang paligid ko nang bigla na lamang itong mag-iba! wala na ako sa ospital! nasa lugar na ako kung saan...kung saan ako naaksidente!

Kitang-kita ko ang wasak na sasakyan namin at ang posteng tinamaan nito na wasak din at bumagsak na sa lupa. Maraming taong nanonood at may pulis at ambulansyang nag-iimbestiga at tumutulong.

Anong nangyayari!? B-bakit ako nandito!? Ayoko dito! kailangan ko na umalis!

"It's all your fault!" rinig ko nanamang boses saaking gilid.

Namumuo na ang luha ko dahil sa matinding takot at pangambang nararamdaman. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan na para bang may pumipigil saakin na kung ano. Pinipilit kong ihakbang ang aking mga paa ngunit ayaw nitong gumalaw!

"It's all your fault! Kung hindi mo sana pinatakbo ang sasakyan mo nang mabilis ay hindi sana ito nangyari!" galit na turan ng boses.

Unti-unti akong humarap sa gilid ko pero wala namang tao doon. Napapikit ako saaking kinatatayuan nang biglang umikot ang aking paligid. Pag mulat ko ay nasa ibang lugar nanaman ako!

Saaking harapan ay ang umuusok na kung ano. Pinilit kong igalaw ang aking paa ngunit naipit ito. Sinubukan kong kunin ang malapit na bagay na nakikita ko ngunit natigilan ako nang makita ang duguan kong kamay! at suot ko na ulit ang pajama ko.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now