Epilogue

84 6 8
                                    

Greetings again! Thank you for reading my second story here in wattpad! And also, interact with me on my Fb page: CuteLazyPig. Thankiess -C.L.P

Epilogue

"Ma, alis po muna ako." paalam ko kay mama na nag-luluto sa kusina.

Tumingin s'ya saakin bago tumango. "Sige, mag-iingat ka, ah. Daanan mo na rin sana si Saile. Huwag ka nalang mag-papakita" medyo nag-aalala n'yang sabi.

Tumango ako bago nag-suot ng tsinelas. Sinimulan ko na mag-lakad papunta sa kalsada para sumakay ng jeep. Bumaba ako sa bayan malapit sa malaking school for college students. Gusto ko man na mag-aral d'yan ay hindi namin kakayanin ni mama ang gastos.

Nag-lakad ako sa paligid ng school para pumunta sa malapit na bahay doon kung nasaan ang maliit kong kapatid. Si Saile. Hindi naman namin talaga gusto na ipaampon s'ya pero kailangan.

Nag-angat ako ng tingin sa mga studyante na lumalabas sa school. Uwian na nila at halata sa mukha nila ang pagod.

Nasa parking lot na side na ako ng school naglalakad. Sa labas kung saan may bakod at kita ang mga sasakyan na naka parking sa loob. Ang gaganda ng mga sasakyan nila. Nag-hihintay din ang mga driver nila para sa kanila.

Napadapo ang tingin ko sa babaeng nag-lalakad papunta sa itim na van. Mayroon s'yang dalawang guard sa gilid at halata sakaniya na hindi s'ya natutuwa doon.

Nakita ko ang ibang studyante na nakaingin sa direksyon n'ya at nag-bubulungan. Nangunot ang noo ko dahil sa sitwasyon at tinignang maigi ang itsura ng babae.

Maamo ito ngunit wala akong maramdaman na emosyon sakaniya. Tumingin s'ya sa mga studyante na nagbubulungan dahilan para tumigil sila. Bumuntong hininga ang babae bago sumakay sa sasakyan at umalis.

Umiling naman ako dahil napapatagal lang nito ang paglalakad ko. Nag-patuloy ako sa pag-lalakad ngunit napahinto nang nasa gate na pala ako ng parking lot. Dumaan sa harapan ko ang itim na van at nakita ang babae na nakayuko habang sa palagay ko ay umiiyak.

Sinundan ko pa ito ng tingin dahil sa itsura ng babae. Bakit kaya s'ya umiiyak?

Nang makalampas na sa schooll ay huminto ako sa gate ng isang bahay. Sinisilip ko kung nasa labas ba ang kapatid ko at nag-lalaro. Nakita ko s'ya sa may bakuran. Naka-upo sa maliit na upuan at naka yuko, tila walang gana mag-laro.

Gusto ko s'yang kunin. Gusto ko s'yang maibalik kay mama dahil alam ko kung gaano na ka miss ni mama si Saile. Bata pa s'ya at hindi pa gaano mulat sa realidad. Nakakatakot na baka balang araw ay hindi n'ya kami makilala ni mama.

Matapos na dalawin si Saile ay dumiretso ako sa mas maliit na paaralan. Papasok ako doon bilang college. Late nga lang ako nakapag enroll ngayon dahil hindi ko pa sure kung kakayanin ko. I'm taking Mechanical Engineering.

Naka-uwi ako sa bahay nang kinagabihan dahil gumala pa ako sa bayan. Binuksan ni mama ang tv at tumabi ako kay aunte na nanonood ng balita.

Lumabas sa balita ang pagkamatay ng isang senator. Pinakita ang pamilya nito na umiiyak. Naningkit ang mata ko nang mahawigan ang ang babae na nasa TV. Kung hindi ako nagkakamali ay s'ya iyong babae na nakita ko sa school kanina.

Anak pala s'ya ng senador

Nalaman ko na maraming kaso ang tatay n'ya at nakulong siya bago patayin. Iyon din siguro ang dahilan ng bulong-bulungan sakaniya kanina.

"Kakain na, Simone! Tama na iyang kakapanood mo"

"Ito na po, Ma" sagot ko.

Tumingin naman ako kay Aunte at niyaya na din s'ya na kumain kasama sila Auncle.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon