Chapter 2

94 11 11
                                    

Week 1

Claridad's POV

Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang ilang linggo na pagpasok sa paaralan. Actually,  tinitiis ko nalang talaga dahil pa graduate na ako. Hindi ko na gusto mag-aral dahil sa tuwing ipipikit ko ang mata ko ay bumabalik ang ala-ala na matagal ko ng pinagsisisihan.

Nawawala ang focus ko sa pag-aaral at alam kong hindi iyon maganda. Sa t'wing pinipilit kong gumawa sa kuwarto ay bigla nalang ako mapapahinto kapag pumasok nanaman ang pangyayari na iyon saking isipan. I visited so many psychiatrist para matulungan ako maka recover pero kalaunan ay huminto din ako dahil hindi ko na kaya. Kahit ilan pang doctor ang puntahan ko ay 'di parin ako nakakatakas sa bangungot na iyon.

Kapag titingin ako sa daanan ay laging bumabalik saakin ang ala-ala na nakapatay ako ng tao. Nang dahil lang sa gusto ko din takasan ang aking buhay. I just can't imagine his/her family suffering and can't stop crying habang nakatingin sa nililibing na mahal sa buhay.

Naalala ko si Dad. He used to be my bestfriend. Mabait at mapagmahal sa pamilya at lagi n'ya kaming priority ni Mom. Kahit nasa mababang posisyon pa lamang s'ya noon ay masaya s'ya na nakakatulong sa taong bayan. Lahat ng pwedeng tulong ay binibigay n'ya just to help the people that needs his help.

He used to be my protector and all but it all change when he got the higher position. Lagi nalang s'yang wala sa bahay at laging may kausap sa telepono. Laging busy sa work habang si Mom ay sa kompanya namin. 'Pag umuuwi sila ni Mom ay madalas pa silang mag-away sa di-ko alam na dahilan dahil kapag nakikita na nila akong nakatingin at nakikinig ay lagi nila akong pinapapasok sa kwarto ko.

Dad and Mom used to have time with me but now I'm alone...Always alone.

"'Di kapa ba matutulog?" rinig kong boses ni Mom.

Hawak ko ang picture frame naming tatlo na nakalagay sa bed side table ko. Nakahiga na ako sa kama ngayon habang si Mom ay nakatayo lang sa aking gilid. May dala s'yang gatas sa baso. Iiling na sana ako para hindi tanggapin iyon ngunit nilapag n'ya na sa table malapit saakin.

Umupo s'ya sa higaan ko at tinignan ako ng maigi. I saw guilt and pain in her eyes pero hindi ko iyon pinansin at humiga nalang nang maayos sa higaan ko at tumalikod sakanya. Narinig kong bumuntong hininga s'ya bago s'ya tumayo.

"Drink milk before you sleep. Just call me when you need something" malambing n'yang sabi bago s'ya umalis ng kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ako bago ko ininom ang gatas at nagpahinga saglit bago ako humiga at natulog.

"Mom!? What's wrong!?" I asked her.

Kakagaling ko lang sa school at nakita ko si Mom na naiyak sa sala kasama ang mga tita ko. I looked at them just to get answers but no one wants to speak. Binaba ko agad ang bag ko at dinaluhan ang aking Ina na umiiyak.

"Mommy? What's wrong?" I asked her once again.

Nakita ko na tumayo si auntie Hilda at pumunta sa TV and turned it on. Nanonood lang ako sa balita nang biglang nagbago ang balita at may biglang lumabas na  'breaking news', 'just in'.

Nakatitig lang ako habang pinakikingan ang sinasabi ng reporter.

"Patay matapos pagbabarilin sa loob ng selda ang dating senador na si Leo Thompson sa edad na 40 years old. Nakulong si Thompson dahil sa kasong kinasangkutan n'ya ukol sa paggamit ng pera ng bayan para sa kanyang personal na gastusin. 'Di pa nakikilala ang suspect at patuloy ang imbestigasyon sa ngayon." balita ng reporter.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now