Chapter 15

36 4 3
                                    

The night (Week 6)

Claridad's POV

Masaya kaming nanghuli ng mga isda sa dagat. Nakahuli kami ng dalawang malaking isda at nakakita pa ako ng starfish!

Ngayon ay papunta na kami sa lupa para mailuto na ang nahuli namin. Papalubog na ang araw at kakaunti nalang din ang mga tao sa labas.

Inalalayan ako ni Simone pababa ng bangka. Sabay kaming pumunta kay manong na naghihintay saamin.

"Ako na ho ang bahala sa huli n'yo, sir." sabi n'ya bago kinuha ang dala namin at nag-lakad paalis.

Habang tinatanaw ko si manong na papalayo ay napansin ko ang pares ng mata na nakatitig saakin. Tinignan ko ito bago s'ya binigyan ng kakaibang tingin. "Oh? Hindi pa ba tayo aalis?" sabi ko.

"Did you have fun? How was it?" tanong n'ya habang pinagmamasdan pa rin ako.

Sandali akong natigil para isipin ang aking isasagot. Sa dami kong gustong sabihin ay isang ngiti lamang ang aking napakawalan. "Masaya ako" sagot ko.

Ngumiti s'ya bago inayos ang kaniyang buhok. Inilagay n'ya sa kaliwang bulsa n'ya ang kaniyang kaliwang kamay bago n'ya kunin ang kamay ko gamit ang kanan.

"Let's go. Mag palit na tayo ng damit. I'm sure our food is ready by then" sabi n'ya.

Nakangiti parin ako na tumango bago sumabay sa kaniyang pag-lalakad. Pumasok kami sa kwarto namin at nag-ayos. I have to clean myself dahil ramdam ko ang buhangin saaking katawan.

Natapos kami ay madilim na sa labas. Kinuha n'ya ulit ang kamay ko at hinawakan ito bago kami lumabas papunta sa restaurant kung nasaan ang pagkain namin. 

Habang nag-lalakad ay hindi ko maiwasan na tignan ang kamay naming dalawa. I really can't believe that someone will hold my hand this tight. Napaiwas ako ng tingin dahil sa biglang pagtaas ng init papunta saaking mukha.

Napansin ko din ang pagtaas ng gilid ng kaniyang labi habang tinitignan ako sa gilid ng kaniyang mga mata.

Gosh, Claridad! Anong nangyayari sa'yo?

Nakita namin si Manong sa loob. Masaya n'ya kaming binati ni Simone. Huminto kami sa tapat ng table namin kung saan nakahanda na ang isda na nahuli namin kanina. Ang bango nito at mukhang masarap talaga.

"Salamat po" nakangiti kong sabi kay manong.

"Ang asawa ko po ang nag-luto n'yan. Tiyak na masasarapan po kayo." sabi pa niya.

Inalalayan ako ni Simone umupo. Tumingin din s'ya sa pagkain bago kay manong. "Maraming salamat po manong Bannie" sabi n'ya.

Bannie pala ang pangalan ni manong. Ngayon ko lang nalaman.

Umupo na nga si Simone sa harapan kong upuan. Nag-paalam na din saamin si manong bannie kaya naiwan na kami ni Simone para kumain.

Sa sobrang pagkakatitig ko sa mga nakahain ay hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin. Nagulat ako nang biglang kumuha si Simone at inilagay sa plato ko. Inangat ko sakaniya ang aking tingin.

"Hindi mo masisimulan ang pagkain kung titignan mo lang" sabi n'ya pa bago kumuha ng kaniya.

"Thank you" sabi ko bago kinuhaan na ang sarili.

Sinimulan ko ang pagkain dala ang masasayang nangyari kanina sa laot. Ngayon ko lang iyon naranasan. Ang kakaibang saya ng mga bagay na hindi mo pa nararanasan dati.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now