Chapter 13

42 4 0
                                    

Chapter 13: Scars

Claridad's POV

Binaba ako ni Simone sa harap ng bahay namin. Masaya n'ya akong tinignan hanggang sa makapasok ako. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa loob. Pinakiramdaman ko kung nandito na ba si mommy.

Tinulak ko ang pinto at pumasok. Tahimik ang paligid at tanging mga naglilinis na taga-silbi lamang ang nandoon. Binati nila ako at tinanong kung ano ang gusto ko sa dinner.

"Chicken nalang po." I said before walking towards my room.

Ibinaba ko ang dala kong gamit sa gilid ng pinto ko at nagpunta sa closet para mag bihis ng damit. Pagkatapos ay pumunta ako sa kama ko at umupo. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-tipa.

Clara: Kakain na ako. Ikaw din, kumain kana.

Pagkatapos kong i-send ang message na iyon ay tumayo na ako para bumaba. Nag-lakad ako papunta sa dining table at umupo. Naka-handa na doon ang mga pagkain.

Sinimulan kong kumain. Naka-tayo lamang ang isang kasambahay sa tabi kaya naisipan ko s'yang tanungin.

"Naka-uwi na po ba si mommy?" tanong ko.

Umiling s'ya dahilan para mapangiti na lamang ako bilang sagot. Tahimik akong kumain mag-isa. Inisip ko si mommy. Lalo s'yang naging busy sa work kaya pansin ko na hindi ko na din s'ya gaanong nakaka-usap.

Sanay na naman ako kaya wala ng bago saakin. Atleast ngayon ay may nakakasama ako na nakaka-usap ko. Simone really taught me how to live again. Hindi ko ma-isip na sa ilang linggo ay nabago n'ya ang buhay ko.

Umuuwi ako na naka-ngiti, nakaka-kain sa tamang oras dahil sa text n'ya at paalala, mas lalong ginaganahan sa pag-aaral dahil sa mga turo n'ya.

Inisip ko ang sarili ko noong panahon na wala s'ya. Nakakatamad at nakakalungkot isipin. Sana ay lagi s'yang nandiyan.

Nasanay na ako sakaniya, hindi ko na kaya na mawala s'ya saakin.

Umakyat na ako sa taas at tinapos ang mga schoolworks ko. Mag pupuyat ako para tapusin ang mga dapat tapusin para konti nalang ang tatapusin namin ni Simone. Excited na din kasi ako sa pag-alis namin kaya sisipagin kong tapusin ito.

Lumipas ang ilang oras at halos matapos ko na ang lahat ng mga gagawin ko. Masaya ko iyong kinu-kwento kay Simone sa text at natatawa ako sa mga reply n'ya. Inaasar n'ya ako sa pagiging excited kong umalis.

Napatingin ako sa pinto nang bigla iyong bumukas at iniluwa si Mommy. Naka-ngiti itong naglakad papunta sa kinaroroonan ko kaya agad kong binaba ang aking cellphone.

Mukhang nahalata n'ya ang ginawa ko kaya nangunot ang noo n'ya bago nangiti ulit. Sinuklian ko lamang s'ya ng isang tipid at nahihiyang tingin.

"I see. You have some friends now? What's her name?" panimula ni Mom.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Iniba ko ang direksyon ng tingin ko dahilan para matawa s'ya. Naka-busangot na ako nang ibalik sakaniya ang tingin.

"He" I said

Kita ko ang gulat sa mukha ni Mom sa sinabi ko. I know she didn't expect me to have some guy friend. Nahihiya akong ngumiti.

Lumambot ang ekspresyon n'ya bago bumalik ang ngiti. Tinignan ko lamang s'ya nang ilapit n'ya ang kamay n'ya sa buhok ko at hawakan ito. Mapait akong napangiti.

I hope, all of this is true.

"You grow up so fast, Clara." tinignan n'ya ako sa mukha na para bang sinusuri n'ya ito.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now