Chapter 12

51 5 2
                                    

Chapter 12: (Plan) (Week 5)

Claridad's POV

"Here!"

Agad akong lumapit sa pwesto ni Simone. Nandito kami ngayon sa Coffee shop kung saan kami madalas tumambay. Naka uniform ako habang s'ya ay naka Blue shirt at maong pants. Nakatitig s'ya saakin habang nakataas ang kamay na may hawak ng paborito kong inumin.

Kinuha ko ang baso at umupo sa tapat n'yang upuan. Maganda ang araw ngayon at kitang-kita mula sa kina-uupuan ko ang maayos na paligid sa labas ng Coffee shop. Nakaka-gaan ng pakiramdam.

"Tapos na ba ang homeworks mo?" biglaan n'yang tanong.

Liningon ko s'ya at nakita na diretso ang tingin n'ya saakin. Tumango ako bilang sagot sa kaniyang tanong. Inayos ko ang aking upo at inilabas ang aking Laptop para mag browse.

Tahimik lamang akong nag browse sa aking facebook account nang may mag notif saakin. Someone tagged me! Anong post naman kaya iyon?

I clicked the notification and a picture of a girl appeared. Nanlalaki ang mata ko nang makita kung sino iyon. Inangat ko ang aking tingin kay Simone na walang pakialam saakin at tutok lamang sa kaniyang binabasang book.

Binalik ko ang aking tingin sa picture. It was me. Ang picture ay ako habang nakatingin sa labas at may hawak na baso. Bahagya akong nakangiti sa picture na iyon at medyo lumilipad ang buhok.

Binasa ko ang caption dahilan para mangunot ang aking noo.

'My Shinesun'

What? Shinesun?

Nabalik ko ulit ang aking tingin sakaniya na ngayon ay nakakunot na din ang noo habang nagbabasa. Hinayaan ko nalang iyon at nagpatuloy sa pagbrowse saaking newsfeed.

"Clara.." mahina n'yang tawag.

Itinaas ko lamang ang aking kilay sakaniya ngunit ang atensyon ay nanatili sa video na aking pinanonood. Tinawag n'ya ako ulit ngunit hindi ko pa rin s'ya pinansin dahil nakakatuwa na ang aking pinapanood.

Napakurap-kurap ako nang biglang mag-sara ang aking Laptop. Tinignan ko si Simone na ngayon ay naka krus na ang braso na nakatingin saakin. Tinignan ko ang libro na hawak n'ya kanina at nakita ko na may isang page doon na nakatupi.

"Why? I'm watching some videos, Simone. What it is?" sabi ko at sumandal saaking upuan.

Bumuntong-hininga s'ya bago ngumiti. Tahimik naman akong naghihintay sa kung ano ang sasabihin n'ya.

"May gusto ka bang puntahan na lugar? Dream place?" sabi n'ya habang naka ngiti.

Na i-tukod ko ang aking braso sa table at nag-isip. Lugar na gusto kong puntahan? Saan nga ba?

Dati ay madalas kaming umalis dahil sa mga meeting ni Daddy. Pumupunta kami sa mga lugar kung saan s'ya kailangan. Naranasan ko din na pumunta sa ibang bansa para mag bakasyon. Tuwing libre si Daddy at Mommy ay lagi kaming nag out of town para pumunta sa mga farm.

Gusto ko din naman iyon dahil nakaka relax ang hangin at kapaligiran. Tahimik at madami kang pwedeng tambayan kung saan maraming damo at mga bulaklak.

Pero hindi ako gaano nakakapunta sa dagat. Ni hindi pa ako nakasakay sa barko o bangka lamang. Natuto akong lumangoy dahil sa swimming pool namin. Hindi ko pa naranasan na mag tampisaw sa tubig at makakita ng isda na makikita sa dagat.

"Hm..Beach? Gusto kong pumunta sa beach." sabi ko habang naka-ngiti at diretso ang tingin sakaniya.

Tumango-tango naman s'ya na parang nagustuhan n'ya ang sinabi ko. Anong balak nito?

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now