Chapter 7

49 6 1
                                    

Chapter 7: Warm

Claridad's POV

Pagkatapos namin kumain non ay sumakay ulit kami sa isa pang ride. 'Di gaya sa nauna ay mas kalmado na ako. Samantalang si Simone ay parang malalim na ang iniisip. Kapag napapansin n'ya akong nakatingin sakaniya ay ngingiti lamang s'ya at parang walang nangyari.

Bumaba kami sa huli naming sinakyan at niyaya n'ya akong maglaro. Nag bayad s'ya para sa isang game. Kailangan mong maka shoot ng ring sa bote para manalo ng stuff toy. Unang try n'ya ay sumablay at ang pangalawa ay na shoot!

Napangiti ako ng bahagya ng makita ang stuff toy na binigay n'ya saakin na napalanunan n'ya sa laro. Isa itong duck na yellow at naka salute. Ang cute nito tignan.

"Thank you" saad ko bago tanggapin ang stuff toy.

Inaya n'ya ako sa isa pang kainan at inubos ang oras namin sa pag kwentuhan. Tipid parin ang sagot ko pero mas madaldal na s'ya ngayon. Sinasabi n'ya saakin ang maraming bagay na gusto n'yang itry.

"I want to explore the world. Gusto kong pumunta sa napakaraming lugar at maranasan ang iba't-ibang season. Kainin ang iba't-ibang pagkain and all." nakangiti n'yang sabi.

Hindi ko maiwasang mainggit. Napakaganda ng gusto n'ya samantalang hindi ko alam ang akin. Makikita mo na ang mga bagay na binanggit n'ya ay talagang mag bibigay ng kasiyahan sakaniya once na natupad iyon.

"Why don't you start travelling? Gusto mo gumala at mag explore but why are you just here?" tanong ko habang kumakain ng ice cream.

Napatingin naman s'ya saakin ng diretso. Kita sa mata n'ya na may gusto s'yang sabihin. Madami akong emosyon na nakita sakaniya na hindi ko maipaliwanag.

"No. I have other more important things to do here. Much important than everything that I said earlier." sabi n'ya bago tumingin sa kawalan.

Much important than his dream? than the things that he want to experience?

Hinatid n'ya ako sa Coffee shop ng mag 5 na ng hapon. Tinext kona din ang driver ko to come and pick me up. Nag pasalamat ako kay Simone bago nagpaalam na na umalis.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat si Mom sa dala kong stuff toy. Sinabi ko na binili ko sa tindahan malapit sa Coffee shop. Ganon parin ang trato ko kay Mom. Nothings change. Alam kong ramdam n'ya parin ang tampo ko sa lahat ng bagay.

I spend my sunday texting Simone and watching some movies. Wala akong gaanong ginagawa buong araw. I'm bored and I want to do something but I'm too lazy to get up in bed. Sa huli ay humilata lang ako maghapon.

From: 09*********

"Life isn't about finding yourself. Life is about creating yourself" - George Bernard Shaw

Basa ko sa text sa Cellphone ko. Halos araw-araw akong nakakatanggap ng Quotes galing sa number na 'yan. Hinahayaan ko lang iyon na ganon. Hindi ko ito nirereplayan o ano.

Maaga akong nagising para maghanda sa papasok. Monday ngayon at dama ko nanaman ang katamaran na bumangon pero iniisip ko ang klase at lesson na pwede kong ma miss kung aabsent ako.

Tinext ko din si Simone na tinatamad ako pumasok at bumangon pero isa lang ang sinabi n'ya.

Simone: Edi wag kana bumangon. Hayaan mo makinig mag-isa mga notebook at ballpen mo at kusang mag notes para sa'yo.

Inangry react ko ang message n'ya at nag reply ng ' Galing mo talagang mag biro. Para kang clown' tapos non ay bumaba na ako para magpaalam kay Mom na aalis na.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang