Chapter 3

79 10 6
                                    

Chapter 3: Bad day

Warning: Sensitive topic and bullying

Claridad's POV

"Miss, Clari? 'yun parin po ba yung order n'yo?" nakangiting sabi ni ateng waitress saakin.

Ngumiti din ako ng bahagya sakanya bago tumango. Nagpasalamat ako sakanya bago ako pumunta sa lagi kong inuupuan na silya sa tabi ng salamin at kita ang labas. Nakita ko na umuulan nanaman.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang mga notebook na gagamitin ko para sa gagawin kong mga assignment. Pasahan na mamaya pero wala pa akong nagagawa dahil nagtalo kami ni Mom sa bahay nung nakaraan pang araw kaya mas matagal akong namamalagi dito sa coffee shop.

Simula nung araw na sinampal ko si Ashley ay hindi na naging tahimik ang mundo ko sa school dahil sinimulan na nila akong bawian sa ginawa ko. Kinabukasan ng araw na yun ay nakatanggap ako ng mga nagliliparang papel at pang-aasar dahil nalaman nila ang tungkol kay Dad.

Tinry kong bawian si Ashley nung uwian at kausapin pero hindi ko nagawa dahil may tumulong sakanya na lalaking sa tingin ko ay boyfriend n'ya. Nakakatawa ngang isipin na kahit sa college ay mayroon paring bullying at mas lalong nakakatawa ang kaisipan na may isip bata parin pala kagaya nila.

Sa huli ay umuwi akong may gasgas sa katawan. Nagalit si Mom at gustong sumugod sa school pero nagalit ako dahil iniisip ko na lalaki pa ang gulo at kagaya nga ng sinabi ko, hindi na kami mga bata para magpa tanggol pa sa magulang namin. Kaya ko namang harapin si Ashley, wag nga lang s'ya papatulong dahil yun ang di ko kaya.

Sa totoo lang ay takot din ako. Lalo na ngayon na alam kong alam na nila ang tungkol sa kaso at mga nangyari kay Dad at dinagdagan pa ng accident isuue ko ay lalong naging mahirap sakin ang pumasok sa paaralan. Akala ko ay ngayong isang taon nalang ay magiging okay lang sakin pero ito pa pala ang mahirap na taon ko.

"Here's your order, Ma'am" sabi ni ate na waitress.

"Thank you" sabi ko naman bago kinuha ang order kong mainit na kape at sinimulang inumin yun. Nag order ako ng kape at tinapay dahil medyo malamig ang panahon ngayon dahil tag lamig na.

Napatingin ako sa Cellphone ko ng biglang nag vibrate iyon. Tinignan ko kung sino ang nag message at nakita ko ang isang unknown number. Pinindot ko iyon at binasa ang text n'ya.

From:09*********

 Fear can hurt us but being free can heal us, don't force yourself to smile just to show others that we're fine, it will take a lot of time to recover so don't let anyone ruined you again.

Nagtataka ko naman iyong tinignan at nilingon lingon ko pa ang mata ko para makita kung nandito ba ang nag send niyon. Paano n'ya nalaman ang number ko? Random text ba to?Quotes? baka na wrong send lang?

Itinago ko ang cellphone ko sa bag at nagpatuloy sa pag gawa ng mga schoolworks ko. Nang matapos na ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mom na agad ko namang sinagot habang nag aayos ako ng mga gamit ko.

"Hello" panimula ko.

"Are you alright? papasok kana ba? your driver said na ibinaba ka nanaman nya sa coffee shop." sabi ni Mom sa tonong nag-aalala.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko habang nakaipit lang ang phone ko sa pagitan ng balikat ko at tenga.

"Yes, Mom. I'm fine don't worry..papasok na po ako" sabi ko.

"Okay, take care, Abella! love you" paalam n'ya.

Bumuntong hininga ako sandali bago ko s'ya sinagot.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ