Chapter 11

48 6 1
                                    

Chapter 11: Rest

Claridad's POV

Napainat ako nang maramdaman ang paghaplos saaking buhok. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad saakin ang tahimik na paligid.

Madilim na ang langit at ang ilaw nalang sa rooftop ang nagsisilbi naming liwanag. Nakahiga ako sa isang mat na gamit namin nung nakaraan. Nakapatong ang ulo ko sa hita ni Simone habang s'ya ay nakasandal sa pader at nakapikit ang mata habang patuloy na hinahaplos ang aking buhok.

Dumilat s'ya nang gumalaw ako kaya nag tama ang aming tingin. Umupo ako at pinagmasdan ang paligid. Tinignan ko ang paligid ko para hanapin ang aking bag at cellphone.

Nakita ko ang bag ko sa 'di kalayuan habang ang cellphone ko ay nasa tabi ko lang. Binuksan ko iyon at tinignan ang oras. Pinapanood lang ako ni Simone na tignan ang cellphone ko.

It's 7 pm. Ilang oras din pala akong nakatulog. Tinignan ko ulit si Simone at bakas sakaniya ang hiya. Tinulungan n'ya akong tumayo. Niligpit n'ya ang gamit at sabay kaming naglakad pababa sa apartment n'ya.

Pumasok kami sa loob at dumiretso sa sala. Umupo ako sa sofa habang s'ya naman ay dumirets sa kwarto n'ya para magpalit. Hinintay ko lamang s'ya doon habang nanonood ng tv.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko para tignan kung may text ba si Mom. Nang makita na meron ay binuksan ko ito at binasa. Tinanong n'ya lang ako kung okay lang ba ako at kung nasaan daw ako dahil hindi ko naitext si Manong na hindi ako sunduin ng maaga.

Mayroon din palang text galing kay Manong na hindi ko agad nakita. Hinahanap n'ya ako at sobrang dami pang message. Ngunit nagulat ako ng may reply na doon.

Clara: Mamaya n'yo na po ako sunduin sa Coffee shop. 8 pm po.

Siguro ay si Simone ang sumagot non habang tulog ako. Buti nalang at sinagot n'ya dahil baka ireport na ni Mom sa police na nawawala ako.

"What do you want for dinner? I'll order" tanong ni Simone habang naglalakad papunta sa pwesto ko.

Dali-dali akog umayos ng upo at tila inaabala ang sarili sa cellphone. Umupo s'ya sa tabi ko at sumandal sa upuan bago ngumusong tumingin saakin.

Bigla naman akong naalerto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa lapit n'ya saakin. Tumingin ako sa tv at tumingin ako sa pader. Pa ikot-ikot ang tingin ko sa mga bagay na nandoon maiwasan lamang ang kaniyang tingin.

"Stop acting like I'm not here, Clara" saway n'ya saakin.

Ngumuso naman ako bago bumaling sakaniya at nag-isip.

"I want chicken" sabi ko.

Tumango s'ya bago kinuha ang cellphone n'ya at nagpipindot. Inabala ko ulit ang sarili ko sa ginagawa habang busy s'ya. Tinignan ko ang bag ko at inisa-isa ko ang mga gami para maalala kung may gagawin ba ako.

Oh! I have two assignments! Major subjects iyon kaya kailangan kong galingan para makabawi. Pero mahina ako sa subject na iyon. Maybe I can ask him to help me? pero nahihiya ako.

Tinignan ko ang laptop ko para tignan ang mga kailangan kong gawin. Sinimulan kong basahin ang question at gagawin pero hindi ko maintindihan. Napakamot ulo nalang ako habang tinititigan ang screen ng laptop ko.

Napatigil ako ng may marinig na tunog ng nagpipigil na tawa. Nilingon ko si Simone at nakita ko s'yang pinipigilan ang sarili na ngumiti saakin.

Tinasaan ko s'ya ng kilay para sabihing naiirita ako sa ginagawa n'ya pero kinindatan n'ya lang ako. Napairap ako sa kawalan bago ibinalik ang atensyon ko sa aking ginagawa.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now