Chapter 5

61 6 0
                                    

Chapter 5: Coffee

Claridad's POV

"Pasok na po ako" paalam ko kay mom.

Lumapit ako sakaniya at humalik sa pisnge bago naglakad palabas ng bahay. Papasok na ako sa kotse nang biglang magsalita si mom kaya ako huminto at nilingon s'ya.

"Do you want me to pick you up later?" nag-aalangang sabi ni mom.

Napangiti naman ako ng bahagya bago umiling sakaniya. Siguro ay nag-aalala s'ya saakin nang mabalitaan n'yang umalis ako sa school kahapon. Hindi ko alam kung sinong nagsabi sakaniya pero nang bumalik ako sa school kahapon ay nandoon na s'ya at sinisigawan sila Ashley.

Hindi ko alam ang nangyari pero dahil sa ginawa n'ya ay nakaramdam ako ng saya kahit papano. Akala ko kasi ay wala na talaga s'yang pake saakin knowing that I always stop her kapag alam kong may gagawin s'ya para saakin.

I'm an adult and I want to act like one. Hindi ko na kailangan mag sumbong kada oras para lang mapagtanggol ang aking sarili sa mga tumatapak saakin. I need to fight them by myself. I don't need anyone to protect me.

"I'm okay, Mom. Don't worry." banayad kong sabi bago naglabas ng isang tipid na ngiti.

Kita ko naman ang pag-dadalawang isip n'ya sa sinabi ko pero wala na s'yang nagawa kundi ngumiti saakin at tumango.

Pumasok na ako sa kotse at nagsimula na itong umandar paalis.

"Sa School po ba? o Coffee shop?" biglang tanong ni manong.

Nag-isip naman ako kung saan ako magpapa baba. Sa coffee shop ba? mag papalipas muna ng oras doon? o diretso na ako sa school? Maaga pa naman at ayoko munang pumasok dahil alam kong may mag-aabang nanaman saakin.

Sinugod sila ni mom kahapon kaya alam kong galit sila lalo saakin dahil napahiya sila. Hindi ko din iniisip na pagkatapos sila sugudin ni mom ay hindi na nila ako guguluhin pa. Ine-expect ko na mas malala pa ang gagawin nila saakin ngayon dahil sa galit.

Nag-iisip ako ng maisasagot nang may biglang sumagi sa isip ko. Inalala ko ang taong nagligtas saakin kahapon sa sarili ko din. Niligtas n'ya ako sa sarili kong gagawin. Because of him I've realized na maling mali ang gagawin ko.

Pagkatapos kong umiyak doon ay tumakbo agad ako pabalik sa school dahil sa kahihiyan.

Hindi na ako nakapag paalam at nakapag pasalamat sa lalaking iyon sa rooftop. Hindi ko na inalintana pa ang sakit ko at dirediretso na ako sa school hanggang sa maabutan ko si mom doon at napansin n'ya na namumutla ako kaya n'ya ako inuwi ng maaga.

Nakakahiya man ang nangyari ay hindi iyon ang iniisip ko. Iniisip ko kung paano ko makakausap ulit ang lalaking iyon. Nandon kaya ulit s'ya sa rooftop? pero bakit nga ba s'ya nandon? Siguro ay nandoon na s'ya bago ako pumunta doon.

"Manong sa building po malapit sa school. Doon n'yo nalang po ako ibaba" sabi ko kay manong. Kita ko naman ang taka sa itsura n'ya pero hindi na lamang s'ya nagsalita.

Nakatitig lang ako sa labas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at nabasa na galing nanaman iyon sa unknown number na laging nag sesend ng quotes saakin. Pinindot ko iyon at binasa.

From: 09*********

"Be who you are and say what you feel, because those who mind don't matter, and those who matter don't mind."  ― Bernard M. Baruch

Pagkabasa ko non ay pinatay ko na ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagtitig sa labas. Hindi ko na namalayan ang nangyari hanggang sa ibaba ako ni manong sa building kung saan ako pupunta.

Seven weeks : Short Fantasy Tragic Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now