Chapter 170: The Night Battle

29 2 0
                                    

Celine POV

Sobrang nakakapagod bumyaheng dagat. Ayokong ma-late sa shift ko kaya nauna ako kay Galvan sa pag-alis sa bahay. Total doktor naman siya. Malulusutan niya kung sakaling mahuli man siya.

Buti na lang at nakaabot pa ako sa oras. I'm thirty minutes earlier. Ako ang nasa station ngayon kasi nga may schedule si Nurse Gerel.

Mula umaga hanggang hapon hindi ko nakita si Galvan. Imposibleng hindi siya mapapadaan dito lalo na kahit ang entrance ng emergency malapit dito.

Napailing na lang ako saka umayos ng upo. I checked our logs at nakita kong nakatime in si Galvan. Paano niya nagawa 'yon? I didn't see him. Nagbilang ako ng oras hanggang sa makaout na nga ako.

But until now, I haven't seen Galvan. Saan naman kaya siya pumunta? Nag-antay ako sa labas nang out ko na.   Gusto ko sanang magkasabay kami. Natalsikan ng putik ang sapatos ko kaya kumuha ako ng tissue sa bag at  yumuko para linisin.

Napatayo lang ako ng maayos nang mapansin ko ang isang pares ng sandals sa tapat ko.

"We've met again," nakangiting bati pa sa akin ng babae.

"Mallory..."

"I'm glad you still remember my name," aniya. "Come with me."

Hindi ko alam kung bakit sumunod din naman ako sa sinabi niya. Kailangan ko siyang iwasan pero hindi ko magawa. Parang may tumutulak sa akin na makausap din naman siya.

Pumunta kami sa kalapit lang na kainan. She ordered food for us pero sa tingin ko hindi rin naman ako magtatagal. Lalo pa at naiisip kong siya ang ina ni Ven.

"Kamusta ka?" masaya pang tanong niya.

Hindi ko alam kung pinaplastik niya ba 'ko o sadyang interesado nga talaga siya sa akin. Kung kasal lang sila ni Galvan para na akong third party sa kanila.

"O-okay naman ako. I-ikaw?"

"Well, I'm good. I supposed nagkita na kayo ni Charence," she said.

I nodded. Bukod sa wala naman kasi akong masabi masyado ring awkward ang sitwasyon namin.

"Nasabi niya ba sayo ang tungkol sa amin?" she asked.

Tungkol sa kanila...

Her choice of words is implicit. Parang may gusto siyang ipahiwatig. Ang alam ko lang ay nagkaroon sila ng anak at inaalok din siya ng kasal. No feelings attached. At makikita ko rin naman 'yon kay Galvan.

"H-he proposed to y-you," she laughed after hearing my words.

"Wow. Proposed. That's so funny. Well, is that okay with you? Your man proposed to me?" natatawang tanong pa niya.

Napakuyom ako't gusto ko sana siyang bangasan kaso nga lang ayokong magpadala sa emosyon ko. She's probably teasing me. Pero hindi niya ako madadaan sa mga pasaring niya. I've no plan leaving Galvan again.

"I don't care if he proposed to you. My only concern is if he fell inlove with you. That's probably the time I must step out," nagtitimping sabi ko sa kanya.

"So what's your judgment?" nakakagigil pang tanong niya.

Everything about her irritates me. Even her name alone pissed me. That's probably because she's with Galvan for years. Kung iisipin mas matagal pa silang nagkasama kaysa sa amin.

"No one can judge anyone," sagot ko.

"What if I'll be greedy and take Charence away from you? Can you handle that?" aniya.

She's testing my patience. I shouldn't be emotional. If she really want and love Galvan she wouldn't need to ask me. It's her feelings and no one can invalidate that.

Midnight Kiss Season IIIWhere stories live. Discover now