Chapter 190: The Wedding Ruckus

12 2 1
                                    

Celine POV

Nagising akong wala sa kwarto si Galvan. Siguro nga hindi na rin siya talaga pumasok kagabi. Paniguradong nakaalis na siya para sa kasal niya. Naligo na rin naman ako at nag-ayos. Mamayang alas dies ang kasal nina Galvan at Mallory.

Pinag-isipan kong mabuti kung dadalo ba ako o hindi kagabi. Ayoko silang makitang ikasal siya kay Mallory. Pero mas mabuting pumunta ako para kay Galvan.

Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan mamaya. We fought last night. He's probably worried. Nagkasundo kaming hindi pwedeng matulog nang magkagalit but we already did.

Nagulat akong makita si Galvan pagbaba ko ng kusina. Hindi pa siya umaalis. He's preparing the food. Napatingin naman siya sa akin. Kumuha ako ng plato at umupo na.

I ate in silence. Maging siya man ay kumain na rin. Hindi niya rin naman ako kinakausap pero nakikita kong panay ang sulyap niya sa akin. He probably noticed my swollen eyes dahil sa kakaiyak kagabi.

Nang matapos akong kumain hinugasan ko na ang plato ko. Hindi ko natawagan si Mika para sunduin ako kaya magtataxi nalang siguro ako. Paalis na sana ako nang hinarangan ni Galvan ang dadaanan ko.

"Galit ka pa rin ba?" malumanay na tanong niya.

Hindi ako kumibo. Hindi rin ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ko naman siya gustong hindi pansinin. I really just feel so emotional. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

"Hindi na ako tutuloy sa kasal," he firmly said.

Doon lang ako napatingin sa kanya. Nag-aalala ako sa padalos-dalos niyang pagdedesisyon. I should really talk to him. We can't start the day treating each other like this.

"Go on with the wedding Galvan," sabi ko naman.

"I can break this wedding if I wanted Celine. Kung nasasaktan kita dahil sa kasal na 'to hindi ako tutuloy para sayo. Mas gugustuhin ko pang masira ang lahat pansinin mo lang ako," dagdag pa niya.

I felt guilty for being sensitive.

"Tapusin mo 'to Galvan. Para kay Ven. Nangako ka sa akin na aayusin mo 'to. If you ditch this wedding para mo na rin akong binigo," turan ko.

"Wag ka nalang pumunta. Nasasaktan na kita," aniya.

He looks determined. He doesn't want me to go with him. Nginitian ko siya't hinawakan ang mga kamay niya.

"Let's end everything this day Galvan. I'm stronger than you ever imagine," sabi ko.

Niyakap ko siya para pagaanin ang loob niya. Hindi ko masabi sa kanyang talagang sensitive lang ako nitong nakaraang araw at kagabi dahil sa anak niya. Hindi ko rin naman siya masisi.

They prepared a lot for this day to come.

Mallory POV

Dinala ko si Ven kay Mommy bago tumuloy sa kasal. Ayokong nandoon siya sa kasal namin ni Joker. Hindi ko siya kayang saktan siya nang dahil lang sa sarili kong kagustuhan.

"Sigurado ka na bang itutuloy mo ang kasal na 'to Shaine? May oras pa para umatras ka," pag-aalala ni Mommy.

"Para naman kay Ven 'to Mom. At isa pa alam mo naman dati ko pang gustong ituloy 'to. I just don't have the power," sagot ko naman.

"Mahal ka ng Daddy mo Shaine," mahinang sabi ni Mommy.

"Mahal? I doubt that Mom. He won't intrude my life if he loves me. He wouldn't ruin my life if he's really want to be a father to me," may galit kong turan.

"Ikaw ang dahilan kung bakit pumasok ang Dad mo sa pulitika," Mom said.

Natawa ako sa sinabi niya. Sariling ambisyon ni Dad kung bakit niya pinasok ang pulitika. Wala akong kinalaman sa pagiging gahaman niya.

Midnight Kiss Season IIIHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin