Chapter 168: The Anniversary Proposal

16 2 0
                                    

Celine POV

Maaga pa kong nagising para makapunta ng hospital. Paglabas ko kumakain sa dining si Galvan. Ni hindi man lang siya napatingin sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin para hindi na ko maguluhan pa.

"I cooked for you," aniya.

"No thanks. Sa cafeteria na lang ako kakain," sabi ko saka lumabas na ng unit.

Sumakay na ko kaagad ng tricycle. Ayokong magkausap ulit kami ng lalaking 'yon. Malapit na ako sa hospital nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.

From: 09475768658

Message:
If you won't come back here and eat within five minutes. I'll get inside of your room and burn every single thing you have here.

Nanlaki ang mga mata ko saka sinabihan si manong driver na may nakalimutan ako sa lounge. Dali-dali akong pumanhik at bumalik sa unit. This is so annoying.

Pagkabukas ko ng pinto naroon pa rin siya sa upuan niya't nakatingin lang sa wall clock.

"You're 10 seconds late. Should I burn just some of your things? A belonging of Shan for example," aniya.

Umupo na ko sa katapat na upuan at kumain. I heard him laughing. I glared at him kaya napatigil siya.

"You lost weight," napatingin ako ulit sa kanya. "You should eat a lot."

"Pakialam mo?"

"The gown won't fit if you'll not do as I say," bigla akong nabulunan sa pinagsasasabi niya.

Nahihibang na ba siya? He just told me last night he and Mallory had a daughter. Why is he putting me in between?

"Can you be atleast a responsible Dad?" inis kong baling sa kanya.

"I'm more than responsible. Ven told me I'm the best Dad."

Tumayo na ako't dumiretso sa lababo. My tears fell when I heard him. Kaagad ko namang inayos ang sarili ko at lumapit sa kanya.

"C-can I leave n-now?" paghingi ko ng permiso sa kanya.

Baka kung mapagtripan na naman niya ang kwarto at gamit ko. Tumayo siya inilapit ang mukha niya sa akin.

"Did you cry?" he innocently asked.

Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa taas para pigilan ang nagbabadyang luha. Nagulat ako nang niyakap niya ako.

"Just cry if you want to cry Hannah Celine. What you feel is valid," napaiyak na ako lalo sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap. Basta ang alam ko, gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya't yakap niya.

Pagkatapos no'n ay pumasok na kami. I tried to focus at work. Ayokong magpaapekto.

"Umiyak ka ba Nurse Han?" tanong ni Gerel pagkarating ko.

"For sure, nagkatampuhan sila ni Shan. As usual," ani naman Gerel.

Nagkibit balikat na lang ako ako saka nag asikaso ng mga pasyete. Napasulyap ako nang mapadaan siya. He's sipping on his choco drink na Chuckie. Kailan pa siya nahilig diyan? Bakit ba parang mas lalo siya gumagwapo?

"Gwapo ni Doc G no? Mas gwapo pa kay Doc Leunix," ani Gerel.

"Grabe naman! Gwapo silang dalawa. Parang gusto ko na lang forever nandito. Biniyayaan tayo ng gwapong mga doktor," sabat naman ni Zhakie.

"Ikaw Nurse Han sino sa tingin mo ang mas gwapo?" tanong ni Gerel sa akin.

"Si D-Doc G," agarang sagot ko.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon