Chapter 184: The Unexpected Traitor

9 2 1
                                    

Celine POV

Sobrang nakakapagod pag-uwi namin. Unang araw palang pero parang ubos lahat ng enerhiya ko. May pinadalang pagkain ang hospital for dinner kaya hindi na kami nagluto. We're all tired kaya after dinner kanya-kanyang pasok na kami sa kwarto.

Unang nakatulog si Galvan sa kwarto. Medyo makulit kasi kanina ang mga nagpacheck up. Gusto nila kay Galvan kaysa Dong Min. Kung concert lang 'yon, sold out ang tickets niya.

Si Shan naman nakikipag-usap kay Shanzhen sa phone niya. Nagpalit ako ng damit saka tumabi sa kanya.

"Did teacher looked for me?" tanong ni Shan.

"Yes. So get back here soon."

"You said you'll pick me up," malungkot na sabi ni Shan.

"Ihahatid ka ng Mommy mo," sabi naman niya.

Nilingon naman ako ni Shan. Para namang may choice pa ako. She ended the call and lie on the bed. She looked at Galvan.

"He's tired," aniya.

"Ganoon talaga. Nakita mo naman ang trabaho namin kanina 'di ba?"

"Yes. I even saw the girls earlier."

"Girls?"

"Charenz, Rose, Gea, Carline, Neizl, Crizhel, Princess, Andrea, and Vanessa," pagbanggit ni Shan ng mga pangalan.

Charenz, Rose, at sino pa 'yong iba?

"Huh?"

"The girls earlier really like this doctor so much. They keep on smiling and saying things about them," dagdag pa ni Shan.

Buti pa siya nakabesado niya ang mga pangalan ng babae ni Galvan. Kung may collector sa amin siya 'yon. Kung hindi lang talaga ako propesyonal pinagsabihan ko na talaga ang mga babaeng 'yon kanina. Pero kaya naman kasing ihandle ni Galvan. He might not be direct pero encrypted ang mga sagot niya.

France POV

Papunta ako ng school ni Brae para sunduin siya. Sobrang malelate kasi si Jayden kung siya pa ang susundo kaya ako na muna ang sumundo kay Brae. Naisip kong maghanap ng bantay para sa kanya pero gusto ko kasing kami ang kalakihan niya. Mas mapapalaki namin siya ng maayos.

Hinantay ko si Brae sa waiting area ng school. Napansin kong nakaupo rin doon si Heaven. She's just sitting alone. Hindi pa naman tapos ang klase nila. Bakit nandito si Heaven? At wala pa ba si Mallory. Hindi niya ba susunduin si Ven? Or pinasundo kay Mika?

"Hi Ven!" nakangiting bati ko sa kanya.

She just smiled a bit. Umusog siya para makaupo ako sa tabi niya. She looks sad.

"Are you okay?" tanong ko.

Hindi siya kumibo. Paunti-unting nagbagsakan ang mga luha niya. Kaagad ko naman siya pinatahan.

"Dad l-left us already," mahinang sabi niya habang umiiyak.

"Nagtatrabaho lang ang Daddy mo Ven," paliwanag ko.

She didn't stop crying.

"C-celine even attended m-my birthday," aniya. "Iiwan kami ni Daddy para sa kanya."

I don't know what to say. Hindi ko alam kung paano ko papaliwanag sa kanya. She knew about Celine already. She met her. She's thinking Celine's really Renz' other woman.

This situation really gone so far. I messaged Mallory na ako ang maghahatid kay Ven sa kanila. Hinantay ko lang matapos ang pasok ni Brae saka dumaan sa unit nila Mallory. She was surprised because of what I did. Hindi na rin naman kasi ako masyadong nakakapunta sa kanila.

Midnight Kiss Season IIIWhere stories live. Discover now