Chapter 156: The Story just Started

29 2 0
                                    

Celine POV

Isang linggo na mula nang bumalik ako rito sa Palawan. Pinilit ko na munang kinalimutan si Galvan. Ayoko nang masaktan pa. Last night napanaginipan ko ulit siya. Nagkaroon na ata ako ng takot sa panaginip nang dahil sa kanya.

Bukas babalik na sa Manila si Jayden. Kailangan niyang imanage ang GU. Wala naman siyang magawa dahil nakapangalan na sa kanya ang unibersidad. Kahit si France ayaw rin naman sanang umalis si Jayden.

Kinukumbinsi ko siyang sumama kay Jayden. Ilang buwan na ag ipinagbubuntis niya. Mahihirapan siya kung dito siya manganganak.

Pabalik na ako ng bahay. Maaga kasi akong nagising kanina kaya naglakad lakad na muna ako sa tabing dagat. Pagkarating 'ko nagulat ako nang sinalubong ako ni Meiru.

"Mommy!"

Napakunot-noo naman akong napatingin sa paligid. Paano napunta rito si Meiru?

"Bakit ka nandito? Nasaan ang Daddy mo?" napansin kong may dala itong bag pack.

"Papa is with a witch," nakasimangot nitong turan.

"Witch?"

"Yes po. Kinuha po si Papa ng witch na malaki ang tummy," mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Meiru.

"Nandito ba Papa mo?" tanong ko sa kanya.

Napatango naman siya at tinuro ang kusina.

"Dinala po siya ng witch doon," humalukipkip pa ito at umupo sa sofa. "Pareho lang sila ni zumu. Galit sila kay Papa."

"Ahm. Meiru makinig ka sa 'kin. Dito ka lang muna okay? Wag kang aalis. Pupuntahan ko ang Papa mo," tumango naman siya.

Nakailang hakbang na ako papuntang kusina nang marinig ko si Jayden mula sa kwartong tinutuluyan nila ni France.

"Goodmorning Sunny!"

Parang aatakihin ako sa puso sa bungad niyang 'yon. Ano na namang sunny ang sinasabi nito. Paglapit ko sa kusina nakita kong nagluluto si France at si Dion naman ay nakatayo lang.

Nilingon naman nila ako nang maramdaman nila ang presensya ko.

"Nakabalik ka na pala sis," masayang wika ni France.

Papalapit sana ako kay Dion pero naunahan ako ni Jayden. Nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ang saya niya pero ngayon para naman siyang papatay.

"Sino ka namang kupal ka at umaaligid-aligid sa ina ng tatlong anak ko? Paano ka nakapasok? Kabit mo ba 'to cupcake? Ikaw ba nagpapasok sa lapastangan na 'to?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya sa pinagsasasabi ni Jayden. Inihain ni France ng niluto niya bago hinablot ang kwelyo ni Jayden at inilayo kay Dion.

"Mommy bakit inaaway niya si Papa?" napalingon naman kami sa munting boses na 'yon.

"M-mommy? Anak mo 'to cupcake? Ibig s-sabihin may pamilya ka na bago pa tayo ikinasal?" napailing na lang ako sa tinuran ni Jayden.

Baliw.

"Napaka OA mo. Ang aga-aga Jayden Chan. Umiinit ang ulo ko sayo!"

"Tapos nagagalit ka sa akin," hindi ko alam kung nag-iinarte ba 'to o sadyang may sapak lang.

"Si Celine ang tinutukoy niyang mommy kaya pwede ba maging normal ka naman Jayden Chan," mahinahon pero may halong pagkaasar na wika ni France.

"Si Celine? May anak ka na? Akala ko ba mahal mo si Renz?"

Parang gusto kong takpan ng duct tape ang bunganga ni Jayden. Kung anu-anong pinagsasasabi.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon