Chapter 160: The Fading Trust

64 2 0
                                    

Galvan POV

We are here at Vaughn's place before having his press conference. This was our plan to divert people's attention. I'm not sure if we can save Raymundo's with this but we have to try. Hindi ko na hahayaan pang magkasira-sira kami. Kristen and Jayden were not able to come here kaya kami lang ni Mallory ang pumunta. Ayoko rin nga sanang sumama kaso mapilit si Mallory.

"Wala ka bang trabaho sa office niyo?" tanong ko sa kanya.

Lagi na lang siyang wala sa office nila. Tsk. Ang daming kasong pwede niyang pagkaabalahan talagang ito pa ang inuuna niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako kakomporatableng kasama siya. Talaga bang nakikita ko si Celine sa katauhan niya?

"Senador ang tatay ko," kaswal na sagot niya.

Oo nga naman. Ama nga pala niya si Senator Arenas. I thought she's a role model prosecutor. Kapit sa backer din pala 'to. Kaya pala hinahayaan lang siya. Senador ang backer niya.

"Kaya naman pala," napatango ko pang sabi.

"Kaya ano?" nakakunot noo ito at nakatingin sa akin ng masama.

Napangisi naman ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko.

"Wala. Baka kung makalbo mo pa 'ko,"
sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

May pagkasadista kasi si Mallory. Nakadalawang beses niya na atang nahagip ang buhok ko nang mainis siya sa akin. I don't know why I had fun teasing her. Good thing hindi niya na ako kinulit sa sinabi ko. It seems like luck sided with me. Mukhang si Vaughn ata ang pagtitripan niya. Baka naman type niya si Vaughn. Tsk. Magkakabanggaan talaga sila ni Kristen. Ayaw na ayaw pa naman no'n na may kumakanti sa kapatid niya. Lalo pa't cupid siya nila Vaughn at Kristell. Siguro kung hindi niya pinakilala si Kristell kay Vaughn hinding hindi siguro magkakakilala ang dalawa.


"Hey Mr. Villanuevo. I am really not fond of digging other's personal life except for cases that I take but I'm a bit curious. Why would the press be interested of you? I mean everyone could be a photographer," napangisi lang si Vaughn saka binulungan ang assistant ata niya.

Kinuha ng assistant ni Vaughn ang magazine ata saka pinatong sa mesang katapat ni Mallory. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Mallory.

"Ano 'to?" tanong pa niya.

Vaughn's assistant clears its voice and started the talk. Prente lang naman akong nakaupo at nakatitig kay Mallory. I really want to witness her mood changing.

"Vaughn Carlo Villanuevo is the only heir of the Villanuevo Shipping Lines. He graduated from Harvard University as a scholar. He also plays piano, violin, and guitar. He won gold medals in art competitions when he's still studying. Among his skills, photography is his best feature."

Sa porma ni Vaughn hindi mo aakalaing ganoon pala ang background niya. Simple lang kasi si Vaughn.

"Okay that's really surprising but not that appealing. What's the catch? Common people can do those things," napatawa naman si Vaughn sa sinabi ni Mallory.

Tumikhim muna ang assistant ni Vaughn bago ito nagsimulang magsalita ulit. Talagang ayaw patalo ni Mallory. Minsan naiisip kong hindi sa pangalan niyang bad luck ang dahilan bakit wala siyang kaibigan. Probably, they knew Mallory's attitude. Pero para sa'kin hindi naman problema 'yon. I even liked her attitude.

"He is paid $5,000 per session. His painting and photographs are sold through bidding that starts with $50,000. He is the only photographer preferred by the Queen of United Kingdom," maski ako at nagulat sa trabaho ni Vaughn.

I knew him as a photographer but I didn't knew this much. Kaya pala kung makaasta siya minsan parang easy money lang. Well, easy money naman talaga. Kaya naman pala ang daming gustong kumuha sa kanyang photographer. But as I have remember ayaw na niyang magtrabaho sa mga companies lalo na iyon ang dahilan kung bakit hindi niya na muling nakita pa si France. If he was only permitted to leave hindi sana nawala sa sunog ang fiancée niya but it's all in the past now.

"W-well that's nice," siniko naman ako ni Mallory.

Akala ko ligtas na ako. Hindi nga napagtripan ang buhok ko, nasiko naman niya ako. Ano na naman ang nagawa ko?

"What?" iritableng tanong ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" mahinang bulong niya.

"Alam ko ba?"

Hindi naman ako detective para alamin ang buhay ni Vaughn. At isa pa wala naman siyang kinalaman sa Ischyròs kaya hindi ko na alam ang tungkol do'n. Hindi pa nagsisimula ang presscon ni Vaughn kaya napagpasyahan muna ni Mallory na mag-ikot ikot sa gallery ni Vaughn. Marami siyang mga perfect shots. Napakaganda rin ng mga naipinta niya.

"Wow! Ipininta pala niya si Kristen. Akala ko ba si Kristell ang girlfriend niya?"

This is France. The real France. Why did I even mistook them before? She may looks like the Kristen now but she's definitely different. Their eyes are different. Kaya naman pala alam agad ni Vaughn na hindi na si France 'yong bumalik.

"That's France. The real France,"
sabi ko kay Mallory.

"Ah! Tama tama. This is the real France. Nga pala hindi niyo ba nasubukan magpapinta kay Vaughn? Magkaibigan naman kayo 'di ba?"

Napatingin ako kay Mallory sa sinabi niya. Magpapinta? As if we had time for that. Sa dami ng nangyari sa amin hindi ko nga alam kung naenjoy ko talaga ang buhay ko and I lost my Celine.

"We don't know so we never had
," sagot ko. "I know he's Vondutch but I didn't expect this much."

Napabuntong-hininga siya nanatiling nakatingin sa portrait painting ni Vaughn. I was fascinated with the way she looked at the painting. We had the similar sadness in the eyes. I see myself in her. Sad, vulnerable, and broken.

"Kung ako lang talaga ang kaibigan niya magpaparequest talaga ako ng painting ng magiging boyfriend ko," napatawa ako ng mahina sa narinig ko.

"Boyfriend? So Vaughn will have to paint a lot? From now and then?"

I didn't expect na babatukan niya ako. Kailan pa kami naging sobrang close nito at nagagawa akong batukan? Mapanakit na babae.

"Wala nga akong naging boyfriend ni isa. Psh. 'Pag nagkaboyfriend man siguradong papakasalan ko na," sabi pa niya.

May naisip akong ideya. Pilit kong pinigilan ang sarili kong hindi matawa para magawa ang trip ko.

"Will you be my girlfriend Mallory?"pantitrip ko sa kanya.

Sa mga titig pa lang ng babaeng 'to parang pati kaluluwa ko nasusunog na. At first napatitig siya sa akin na para bang paniwalang-paniwala but it divert as soon as I smiled.

"May sira ba 'yang utak mo? Maluwag ba turnilyo mo? Marinig ko pa 'yang tanong na 'yan sayo babalatan talaga kita!"

Nagsitinginan naman sa amin ang mga tao sa gallery. Pilit naman akong napangiti ulit. She really resembles Celine.

"If I'm not mistaken, you are Sen. Arenas daughter right? What a coincidence. I'm Jeremy Quiño. It's my pleasure to meet you," sabi ng lalaking lumapit sa amin.

Makikipagkamay sana 'to kay Mallory pero nanatili lang itong nakatingin sa nakalahad na kamay sa kanya. Kilala niya ba ang lalaking 'to?

"I don't think it's 'coincidence' Mr. Quiño. You were tailing us right? Ah! I almost forgot. My Dad didn't signed your budget you endorsed and it really seems overprized? What do you want me to do Mr. Quiño?" nakangiti pang wika niya sa lalaki.

"N-nothing hija," nanginginig namang ani Mr. Quiño.

"No problem. Besides I am into different case. Make sure you pray that I won't dig into your cases Mr. Quiño. Mauna na po kami," pang-aasar niya pa.

Ibang klase talaga. Wala nga naman talaga siyang magiging kaibigan sa ugali niyang 'to. Now, I know. Lumabas na muna kami ng gallery. She said she wanted fresh air first before going to the conference hall of the gallery. Nabigla ako ng sumandal siya sa pader at tumawa. Siya ata ang maluwag ang turnilyo.

"Do you think I could still make friend with this attitude?" malungkot na aniya.

Midnight Kiss Season IIIWhere stories live. Discover now