Chapter 191: The Wedding Vow

18 2 1
                                    

Celine POV

"Do you want to marry tomorrow?"

Natigilan ako sa itinanong niya. I was really surprised.

"Wag ka nga magbiro ng ganyan. Para kang sira," sabi ko.

"Then just marry me the next day," seryosong sabi niya.

"Magseryoso ka nga," sabi ko.

"I'm serious Hannah Celine. We got married on May 15 before then let's get married this 15th of August."

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o gusto niya akong pagtripan.

"Can we just talk about this in person?"

"We're talking in person Celine."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Kanina pa ba siya nandito?

"Galvan!"

"Let me ask you again. Will you be a Galvan again?"

Hindi ko alam kung masasagot ko ang tanong ni Galvan. He looked so desperate. Katulad ng kagustuhan niyang ikasal kami dati. Parang nag deja vu ang mga nangyari sa amin. I fear that we might end up losing each other again. Natatakot akong maulit lang ang mga nangyari sa amin.

But his eyes were pleading. Kinukumbinsi ako ng mga titig niya na muling panghawakan ang isa't isa. Magmula pa man noon hindi ako makakalayo sa kanya. We're always bound to meet. We always end up together.

"Kung aayawan mo ako hindi ka na makakatikim sa akin," bigla akong namula sa tinuran niya

Hindi nagbago si Galvan. He was still the same guy I loved before. Siya pa rin ang lalaking laging hinihigitan ang pagmamahal ko. He is still the same guy who would risk everything just to show his love for me. He wasn't afraid to give me the love that could hurt him.

"Hindi naman ako adik para tikman ka," natatawang sagot ko.

"So hindi mo na pala ako mahal?" pagmamaktol niya.

Habang tumatagal mas lalo siyang nagiging makulit. Mas lalo kaming nagiging komportable. We're apart for how many years pero nauuwi pa rin kami sa isa't isa.

"Oo na."

"Anong oo?" kunwaring hindi niya alam ang pinupunto ko.

"Gusto ko na maging Galvan ulit," nakangiting sabi ko.

Kaagad naman niya akong niyakap. Tuwang tuwa siya sa naging desisyon ko at ako rin naman.

"Aalis pala kami bukas ni Mallory kasama si Ven," pagpapaalam niya.

"Pwede ba akong sumama?"

Natigilan siya sa sinabi ko.

"Biro lang! Baka kung sumama ako biglang mawalan ng Mommy si Ven," nakangiting dagdag ko.

***

The Day of the Wedding...

I was surprised nang sinundo ako nina Jayden at France. Hindi nasabi sa akin ni Galvan na sa Sagada ang punta namin. Sina Mommy nauna nang pumunta ron kasama si Shan. Sina Vaughn at Kaye naroon na rin naman dahil sila ang tumulong kay Galvan sa preparation.

Hindi gaanong marami ang  pumunta sa kasal namin. Ang mga kaibigan lang namin. Sila Dion, Shanzhen, at Meiru pumunta rin. Nagulat ako nang malaman kong inimbita ni Galvan sila Georgina, Alfred at Danilo. Sila Papa, Tita Yeliah, Tito Jib, Tito Kingsley, at Tita Kate.

Pagkarating namin ay dumiretso ako sa hotel malapit sa kung saan gaganapin ang kasal namin ni Galvan. Sinamahan naman ako nila Kristell, France, at Kaye.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon