Chapter 196: The Dion's Woman

21 0 0
                                    

Celine POV

Maaga pa akong nagising para maabutan si Galvan. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na aalis kami ni Dion ngayong araw. Ayokong magkaroon  na naman kami ng hindj pagkakaunawaan. Pero pagbaba ko'y hindi pa pala nakakaalis si Galvan at naghahanda ng pagkain.

"Ako na dyan Galvan," sabi ko pagkalapit sa kanya.

"Hayaan mo na muna akong maipaghanda kita Hannah Celine," aniya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa mga tinuran ni Galvan. Kinumpleto pa niya ang pangalan ko.

"Bakit parang hindi ka makaimik dyan?" kunot noong tanong niya.

"Namiss ko lang ang pagtawag mo sa pangalan ko."

"Ano ba dapat? Wife?" he smiled.

Iniwas ko nalang ang tingin ko at kumuha ng mga pinggan at kubyertos.  Kailangan kong may magawa.

"Ewan ko sayo."

Hindi na ako bata para kiligin sa mga litanya ni Galvan. Pero ang hina ko. Salita pa lamang niya'y nagwawala na ang puso ko. He still gives me butterflies.

"Mommy... It's Dion's birthday," napatigil kami sa ginawa namin ng biglang sumulpot si Shan.

Narinig siguro kami ni Shan kaya't nagising siya. Ang aga pa naman.

"Why are you up so early?" ani Galvan.

"We will celebrate Dion's birthday," tipid namang sagot ni Shan.

Pinaupo ko na si Shan sa upuan niya't tinabihan. Talagang tandang tanda niya ang birthday ni Dion. Umupo naman si Galvan sa tabi ko.

"Kayo lang?"

Napalunok naman ako at hindi makasagot. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya lalo pa kakabati palang namin. 

"Daddy will be there too," sagot naman ni Shan.

Magpapaalam palang nga ako kay Galvan umeksana pa ang batang 'to. Baka sumama naman ang loob ni Galvan .

"Kumain ka nalang nga Shaleinn Kismet," pagputol ko sa usapan nila.

"Are you mad mom? You completed my name," inosenteng tanong pa niya.

Napatingin naman ako kay Galvan na nakatingin sa aming dalawa. Napalunok naman ako sa kaba dahil alam kong may ideya na si Galvan sa inaakto 'ko.

"Hindi ako galit Shan. Sige na kumain ka na," maagap kong sagot.

Tahimik kaming kumain. Nang matapos si Galvan ay dinala niya ang pinagkainan niya sa kusina. I followed him. 

"Kung may sasabihin ka Hannah Celine sabihin mo na," aniya habang kumukuha ng maiinom.

Kumpleto na naman ang pangalan ko. Pero ngayon hindi na nakakakilig. Nakakatakot na.

"Pinakiusapan ako ni Meiru kahapon para sa sopresa para sa birthday ni Dion. Hindi ko naman maiiwan si Shan dito. At nandoon si Shanzhen-"

"Your point Celine?"

"Ha?"

"What's your point of telling me? I'm not mad. It's fine with me," aniya.

"Baka kasi magselos ka," halos pabulong na sagot ko.

Natigilan siya sa pag-inom sa isinagot ko. Pinatong naman niya ang baso sa mesa saka napatingin sa gawi ko.

"What if I'm really jealous?" he asked.

Mas lalo pa akong kinabahan.

"Hindi kami pupunta," kabadong sabi ko.

I was stunned when he pulled me closer to him. Sobrang lumakas pa ang tibok ng puso ko nang  ginawaran niya ako ng halik. I was really astounded. Ginulo niya ang buhok ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon