Chapter 178: The New One Minute

13 3 0
                                    

Celine POV

Nagpaiwan si Galvan kanina kaya nauna nalang ako sa hospital. Hindi ko siya nakita nitong umaga. Pero normal na rin naman talagang hindi kami magkita.

Breaktime nang bumalik ako sa station. Malayo palang dinig ko na ang usapan nila Nurse Gerel at Nurse Zhakie. Napatigil lang sila nang dumating ako. Nagsisikuhan pa sila na para bang may gustong sabihin.

"Ikaw na," bulong pa ni Nurse Gerel.

"Ikaw nalang," mahinang sagot naman ni Nurse Zhakie.

"May sasabihin ba kayo?"

Ako nalang mismo ang magtatanong dahil wala sa kanilang naglalakas loob.

"Medyo personal kasi Nurse Han," nahihiyang sabi ni Nurse Gerel.

"Sige lang. Ano ba 'yon?"

"Yung Shan na boyfriend mo Xu Shanzhen ang buong pangalan?" kabadong tanong ni Nurse Gerel.

Napakunot noo ako sa tinanong niya. How did they found out about Shan? Wala naman akong kinukwento sa kanila na tungkol kay Shan.

"Yes. Bakit?" kinabahan ako sa maaaring sabihin nila.

Nagtitigan pa sila bago sumagot sa tanong ko.

"Nandito kasi siya kanina," sabi ni Nurse Zhakie.

Nandito si Shan? Bakit naman siya pupunta rito? At umaga? He looks so tired earlier.

"Saan siya pumunta?"

"Ang totoo kasi nyan Nurse Han nasa ward siya. Pero 'wag ka mag-alala okay na siya," sabi naman ni Nurse Zhakie.

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Shan. Wala rito ang Mama at Papa niya. Walang mag-aasikaso sa kanya. Wala rin si Dion dito kaya responsibilidad ko siya.

"Puntahan ko muna siya. Mauna na kayong maglunch."

"Wait lang Nurse Han! Talagang okay na si Shan," pagpupumilit ni Nurse Zhakie.

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Nurse Zhakie at dumiretso sa ward. Naroon nga talaga si Shan. Kaagad naman akong lumapit sa kanya. He was still sleeping. I dialed Dion's number.

"Hello? Nasa hospital-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang kinuha ni Shan ang phone sa akin. He's awake. Pinatay niya ang tawag at binalik sa akin ang phone ko. Bumangon siya't sumandal sa headboard.

"Don't inform him. Baka mag-alala si Papa. Kakatapos lang ng operasyon niya," sabi niya saka napatingin sa swerong nakakabit sa kamay niya.

"Kaya pala ang haba ng tulog mo kanina. Hayaan mo babantayan kita."

Napatingin siya sa akin at napatawa. Pailing-iling pa siya habang kinukuha ang cellphone niya sa side table. He's sick pero tutok pa rin sa cellphone niya. I took his phone away. Hindi siya gagaling kung ganito ang iaakto niya.

"You can leave now Selena," aniya.

Why do I feel like he's pushing me away? Naiinis ba siya dahil sa mga sinabi ko kagabi? Kaya ba ganito ang trato niya sa akin?

"Nag-aalala lang naman ako sayo Shan," mahinahong sabi ko.

He sighed.

"You don't need to," pagtanggi niya ulit.

"Shan naman!"

"You don't need to because he's doing it," ani Shan saka tinuro ang bagong dating na si Galvan.

May dala siyang pagkain at mga prutas na mula ata sa labas. Nilapag niya ang prutas sa side table at umupo siya sa tabi ni Shan saka nilabas ang pagkain na binili niya.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon