Chapter 182: The Pop Lover

15 2 1
                                    

Celine POV

Tumawag kay Galvan si Doc Leunix. It's about a medical mission. At syempre napagalitan siya dahil hindi siya pumasok ngayon. Tumawag naman ako kay Nurse Gerel. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Buti na lang at wala masyadong pasyente ngayong araw. Pero paniguradong matatalakan ako ng head nurse pagbalik ko lalo pa't kakabalik ko lang mula sa leave ko.

Inaayos ko ang gamit ni Shan sa kwarto para madala ko papuntang lounge. She's coming with me. Hindi naman soya pwedeng maiwan dito. Ipapatransfer ko nalang din siya ng school pero maaari rin namang ako ang lumipat sa Manila. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang nagtutupi ng mga damit ni Shan nang  pumasok si Galvan at nahiga sa kama.

"Bukas na ang medical mission niyo?" tanong ko.

"Oo," sagot niya. "Natin."

Napatigil ako sa pag-aayos at humarap sa kanya.

"Natin? Bakit kasama ako?"

He smirked.

"It was supposed to be voluntary but I asked Leu to include you. Since ang dami mong absences he really did include you," sabi niya.

I actually like the idea. I really want to volunteer to this kind of medical mission. Pero sana kinausap niya muna ako. Ganoon niya ba talaga ako kagustong kasama. He's getting clingy.

"Kasama ba si Doc Leunix sa med team?" tanong ko.

Binato niya ako ng unan kaya napalingon ako sa kanya. Kailan pa siya naging mapanakit? Kinuha 'ko 'yong unan na binato niya sa akin at hinampas sa kanya.

"Nagtatanong ako ng maayos."

Hinila niya 'yong hawak kong unan na pinanghahampas sa kanya kaya napahiga ako. He cornered me and glared at me like a wild lion.

"What?"

"Aren't you tired of your collections?" may pagkainis na tanong niya.

I rolled my eyes at him at sinubukang itulak siya. But he's too heavy.

"Alis na Galvan."

"Paano kung ayoko?"

Napabuntong hininga ako sa pagiging makulit niya. Bakit ba siya nagkakaganito? He's not childish like this before. Sobrang kulit niya talaga. Ito pa ang epekto ng pitong taon sa kanya?

"Hindi ka makakahalik sa akin."

To my surprise he planted a kiss. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon.

"I could still kiss you," he childishly said.

Hindi na ako nagsalita pa. Para namang kahit anong sabihin ko wala na rin naman siyang balak magpatalo. He's Galvan afterall. He's going to fight back as long as he could.

"Do you like Leu?"

Napakunot-noo ako sa bintang niya. Ano naman ang pumasok sa isip niya't pinagdidiskitahan niya na naman si Doc Leunix?

"Hindi ko... hindi ko nga 'yon gusto," I answered.

Mas lalo pang dumilim ang mukha niya.

"Why are you stuttering? You probably like him right?"

"Alam mo ikaw lagi ka nalang tamang hinala."

Hinaplos ko ang magkabilang pisngi niya. He's so handsome. Kahit mukhang iritado siya ngayon he still had his good looks.

"So tama ang hinala ko?"

Napapailing na lang ako sa mga reaksyon niya. Pero siguro dahil sa pitong taong nagkalayo kami kaya siya nagkaganito. He's afraid losing me again. But I could give him assurance. I won't leave him.

Midnight Kiss Season IIIWhere stories live. Discover now