Chapter 171: The Spilled Plan

24 2 1
                                    

Celine POV

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Hinagilap ko muna ang cellphone ko para macheck ang oras. At tama nga ako. Masyado na 'kong late sa work. Maagap naman akong nag ayos para makapunta ng hospital.

Sa sobrang pagrush ko naiwan ko sa bahay ang recorder ni Shan. Pero hindi na 'ko bumalik. Tumuloy na lang ako at kaagad naman akong pinagalitan ng head namin. She's really strict when it comes to time. Dapat responsable.

Pagpunta ko ng station inilingan naman ako ng dalawa. Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang clinical records ni Nay Timay.

"Ano kayang ginagawa don ni Doc G?Parang may malalim siyang iinisip 'no?" saad ni Gerel.

Napabaling naman ang tingin ko sa kinaroroonan nya. Nakasandal ang noo niya sa wall. Ano naman kaya ang pinuproblema niya?

May tumawag sa kanya kaya't umalis siya sa pwesto niya. Lumapit naman ako roon at pinagmasdan ang pader. Napansin ko ang maliit na sulat sa bandang kanan.

~I love you Hannah Celine~

Nanlaki ang mga mata ko kaya't kaagad kong kinuha ang alcohol na dala ko't inispray sa wall.

"I love you ha...?"

Mabilis kong binura lahat. Nasa likuran ko pala si Doc Leunix. Sana naman hindi niya nakita ang buong pangalan ko.

"M-may nag vandal Doc. B-binubura ko lang," kabadong sabi ko.

"Nag-Vandal si Doc G?" biglang sulpot Gerel.

"Si Doc G ang sumulat diyan? Ano 'yong karugtung? I love you ha lang nabasa ko kasi nabura ni Nurse Han," ani Doc Leunix.

"I love you hakdog!"

Napatingin silang dalawa sa'kin nang tumaas ang boses ko. I cleared my throat bago nagsalita.

"Y-yon ang n-nakasulat. Byie," sabi ko baga umalis.

Kamuntikan na talaga. Bakit niya ba 'yon ginawa? Ang daming gawain dito sa hospital tapos 'yon pa talaga naisip niyang gawin.

Break time ko nang tumawag bigla si Dion. Aniya uuwi siya rito dahil kukunin niya ang mga gamit ni Meiru. Mukhang lilipat na sila talaga ng Maynila.

"Done talking with your friend I guess," biglang sulpot ni Galvan.

"Y-yes. Ikaw?"

"Hindi pa ko tapos kausapin ka," nakangiti pa niyang dagdag.

"Nga pala bakit ka nagvandal kanina? Muntikan na kong mahuli ni Nurse Gerel at Doc Leunix.

"You told me to just shout or vandal remember? So I did," aniya.

I remembered that.

"I'm just joking! Tinotoo mo naman," saad ko.

"Pero totoo ang sinulat ko. Totoong mahal kita," he said without a pause.

I got swayed.

Nakatitig lang ako sa kanya the whole time. He bended and planted a soft kiss.

"Doc G?"

I frozed. Lumingon naman si Galvan.

"Yes?"

"Okay na po ang operating room," ani Nurse Zhakie.

I noticed Nurse Zhakie trying to sneak on me. Pero hindi niya ako nakita dahil nakaharang si Galvan. Good thing he was also covering me.

Nang marinig ko ang papalayong footsteps ni Nurse Zhakie nakahinga ako ng maluwag. Kamuntikan na.

Midnight Kiss Season IIIWhere stories live. Discover now