Chapter 158: The Battled Started

34 2 0
                                    

Galvan POV

We're waiting for Jayden and Kristen now. They're coming back from vacation. We thought they're going to stay there. Pero sabi raw ni Tito Jibreel gusto ng mommy ni Kristen na dito siya manganak sa Maynila.

I went along since Mika want Spades to bond together. At isa pa may kailangan akong sabihin kay Kristen. I wanted to tell Jayden since he's my best friend but I think I need some time before I tell Spades. Kahit pa sabihin ni Mallory na baka may magtraydor sa kanila I still trust my friends.

I can already see them coming. Si Jayden ang may hawak ng maleta nilang dalawa. I can sense they're not in the mood. Magkaaway ba sila? Napakunot-noo ako nang makilala ko ang isa nilang kasama.

That is Dion.

Siya 'yong partner ni Celine sa coffee shop. Why is he with them?

"Welcome back dearest," bungad ni Kristell kay Kristen.

The more I look at Kristen I can't really get over. Parang nakikita ko pa rin sa kanya 'yong France na nagpakaba noon sa akin na siya lang naman pala.

Nasanay akong si France siya at iba si Kristen. Mas trip ko ang pangit na mukha niya noon. Hahahahahaha!

"Anong nginingisi mo dyan gago?" pagalit na tanong ni Kristen sa akin.

Grabe ang init ng ulo. Nababasa niya ba ang iniisip ko? Nararamdaman niya bang pinagtitripan ko mukha niyia sa isip ko?

"Makagago ka naman. So bakit bumalik pa kayo?" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Ayaw mo bang may bumabalik sayo?" pagpapahiwatig niya kaya't natahimik ako.

"Uhrmm.. Ahm... I think I should go now," pagpapagitna ni Dion sa usapan.

"May pupuntahan ka ba? Sabay ka na lang sa amin," nakangiti namang sabi ni Kristen sa Dion na 'to.

"Salamat na lang. Marami pa kasi akong gagawin. Thank you nga pala sa pagsabay. Una na ako," paalam naman ni Dion.

Masama namang nakatingin si Jayden kay Kristen. Akala ko pa naman ayos na ang dalawang 'to. Ilang taon din silang hiwalay tapos naisipan pa talaga nilang mag-away ha.

"Tara na guys. Gutom na ako," imbita nj Kristell.

Dahil malaki naman ang Van na dinala namin iniwan na lang muna namin doon ang maleta ng dalawa saka bumaba sa isang mall for lunch.

It's only me, Mika, Kristen, Jayden, at Kristell. Mukhang hindi nakapunta ang iba. Buti na rin 'yon para naman hindi ako mahirapang kausapin si Kristen. Pero ayon nga lang papunta na rin pala ang iba.

"So how's Palawan? How I wished I have stayed longer there when I went to Celine," ani Mika.

She even glared at me.

"What?"

"Wala!" asik pa ni Mika.

Kung makatingin naman ng masama sa akin parang kasalanan kong iniwan ako ni Celine. Nag Vikings lang kaming lima. Coming naman daw si Vaughn at Seb. Sila naman Kaye at Em nasa loob na ng mall at papunta na rito.

"Hello everyone!" bungad ni Kaye sa amin.

She's pregnant too. Buti pa sila Jayden at Em magkakaanak na. Kami ni Celine mukhang malabo na lalo. Napatingin naman ako kay Em. He didn't greet us and just seated next to Mika. Tumabi naman sa kanya si Kaye.

May problema ba silang dalawa? Bakit ba puro LQ ang mga ikinasal nang barkada namin? Kung kasal pa siguro kami ni Celine kami 'yong number 1 sa LQ. Higit pa sa LQ 'tong sitwasyon namin e.

Midnight Kiss Season IIIWhere stories live. Discover now