Chapter 154: The One Great True Love

125 6 1
                                    

Celine POV

I will be staying here for couple of days. Kahit sobrang sakit dahil maaalala ko lang ang nakaraan namin ni Galvan dito. I still have to be strong. I don't want to live a lonely life.

Kukunin ko lang ang mga gamit namin ni Galvan dito saka ko ipagbibili ang bahay. Kung patuloy kong maninirahan sa bahay na 'to baka matuluyan na ako. This house has the most of our memories together. Ito rin ang naging dahilan upang makaalala ako. I have to keep moving forward.

I called Seb. He has a lot of connections kaya nasisiguro kong matutulungan niya ako.

"What a nice surprise. Celine is calling me," masayang bungad niya.

"Sira. Ahm gusto ko sana kasing ipagbili ang bahay namin ni Galvan dito sa Laguna. May kilala ka bang pwedeng maging buyer?" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa sa sadya ko.

"Hanep! Walang intro intro. Diretsahan. Pero teka ipagbibili mo ang bahay? Alam ba 'yan ni Renz?" nabigla ako sa tanong niya.

"What do you mean?"

"Ha-ha-ha I-ibig kong sabihin napagdasal mo na ba ha-ha," weirdong sagot niya.

"I think this is the best way to forget him. At isa pa hindi na kasi ako mananatili rito," dagdag ko pa.

"Sige kung 'yan ang desisyon mo. Tatawagan na lang kita if may interesado," sabi ni Seb bago nagpaalam.

Palabas ako ng subdivision nang mapadaan ako sa guardhouse. Napatigil sa nang mapansin ko ang blood drops sa daan.

"Kuya bakit po may dugo rito?"

"Ah 'yan po ba maam? Sabi ng mga kasama ko may namaril daw po. Nasa hospital ngayon ang nabaril na prosecutor," napatango ako sa sinabi ni Kuya.

Nakakakilabot naman. Buti na lang at hindi ako ang napang-abot ng namaril. Safe akong nakarating dito kahapon.

Dahil nga sa wala ring stock ng pagkain sa bahay. Grocery time. Pero lilimitahan ko lang lalo na at hindi naman ako masyadong magtatagal.

I missed Galvan again. I loved doing grocery with him and now I lost him. I no longer have him by my side. Gusto kong maiyak sa sandaling 'to. Ilang buwan ko ring nilakasan ang loob ko.

Kagabi noong tumawag ako sa MK line gustung-gusto kong maiyak kakakwento ng tungkol sa bahay namin Galvan at mga memories namin doon. Even the one who took my call kept silence I still want to let him about me and my story.

Dumiretso ako sa supermarket. Kaunti lang ang pinamili ko sahil hindi naman ako magtatagal dito sa Laguna.

"Miss Celine?"

Natingin naman ako sa tumawag sa akin. Kurt?

"Kurt ikaw pala! Anong ginagawa mo rito?" nasisiyahang tugon ko.

"Remember the case of Dr. Mikael Galvan. Ang prosecutor kasi na may hawak ng case na 'yon nabaril dito sa Laguna. Bibisitahin ko lang," wika niya.

Bumalik sa isipan ko ang mga dugo roon sa gate ng village. Hindi kaya iyon ang tinutukoy niya?

"Ahm... Pwede ba 'kong sumama sayo? Gusto ko sana siyang pasalamatan," tumango naman si Kurt.

Sabay kaming pumunta ng hospital. Buti na lang talaga at may dala siyang motor nakatipid ako. Naghintay lang ako kay Kurt habang nagtatanong pa siya kung saang room naconfine ang prosecutor na bibisitahin niya.

Iginala ko ang paningin ko sa hospital. Natigilan ako sa lalaking palabas ng hospital. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at napatayo. Kahit nakatakod pa siya para talaga siyang si Galvan. Hindi ako maaaring magkamali.

Sigurado akong si Galvan 'yon. Sinundan ko siya. Hindi ako namamalikmata lang. Paglabas ko ng hospital hindi ko na nakita kung saan siya napunta.

O baka naman namamalikmata lang talaga ako? Naiiling akong bumalik sa loob. I must be seeing things. Pero parang totoo talaga.

"Okay ka lang ba?" bigla akong nahimasmasan nang marinig ko si Kurt.

"A-ah. Oo. Para kasing...wala. Tara na."

Pumunta kami sa ward kung nasaan si Prosetor Arenas. Bakit hindi na lang siya sa isang private room.

"Shaine," tawag ni Kurt.

Midnight Kiss Season IIIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora