Chapter 163: The Last Tears of Galvan

25 0 0
                                    

France POV

Tatlong araw magmula nang pumunta si Renz sa Palawan wala na siyang imik. Lagi siyang nasa hospital. He was tiring his self every day. Tuwing gabi naman after ng shift niya umiinom siya kasama nila Jayden, Seb, Em, and Vaughn. Kahit na ayaw pa ng apat wala silang nagawa. We threatened them.

"Of course we tried to ask him pero wala. Puro alien language ang naririnig namin," matabang sabi ni Jayden.

"Akala ko ba pinuntahan niya si Celine? What happened?" tanong naman ni Kaye.

Kinwento sa akin ni Kristell na pumunta si Renz sa Palawan dahil sa tawag na natanggap niya mula kay Celine. Sabi pa nga ni Kristell tuwang-tuwa si Renz pag-alis niya. Pero noong bumalik siya tahimik lang daw si Renz. They tried to ask him if he met Celine but he just said he did.

Gusto kong puntahan si Celine hindi rin naman ako pwedeng magtravel dahil sa pagbubuntis ko. I tried to call her but she's not answering the phone. Sarado rin naman ang Midnight's Coffee kaya sobrang clueless kaming magbarkada.

"Mag-alala naman kayo sa'min. Nakikita niyo 'tong panda feels ng mga mata namin. Kung hindi ko lang brother-in-law 'yon pinagtulungan na namin 'yon. Gabi-gabi na lang," reklamo naman ni Seb.

Mukha ngang puyat silang apat. Si Vaughn naman himbing na himbing sa lap ni Kristell. Si Em naman mukhang maayos pa naman. He wasn't probably attentive lalo na at nag-aalala pa rin siya kay Kaye. Kakadischarge lang din naman kasi niya kaya maingat sila lalo na at bawal nang maulit 'yon.

"Magkakatrauma ata ako kay Renz. Kagabi pinaubos niya sa amin ang mga inorder niyang inumin. Inexplain pa ng gago ang processes ng digestive sa'min pati mga sakit na makukuha sa pag-inum," pagmamaktol pa ni Jayden. "Kapal ng mukhang pagsabihan kami e siya 'tong nag-aayang uminom. Ayoko na talagang maging pinsan 'yon!"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Hindi masyadong umiinom si Renz kaya madali siyang malasing. Wala silang magagawa. Hanggga't hindi namin alam kung ano ba talagang nangyari sa Palawan mananatili silang drinking buddy ni Renz. How I wished makita ko rin ang drinking habits niya. Nakakatalino pala 'yon.

"Buti nga 'yon may matututunan kayo kay Kuya," pang-aasar naman ni Mika.

"Nakainom na. May natutunan pa," dagdag naman ni Kristell.

"Alcohol is absorbed directly into the blood stream through the stomach lining... " mahinang sabi ni Vaughn habang natutulog.

Hindi ko na talaga napigilang hindi matawa. Pati sina Mika, Kaye, at Kristell tawang-tawa na rin.

"Kita niyo na! Masamang impluwensya ngayon si Renz. Kawawa naman si Vaughn pati pagtulog niya nagagambala," parang bata pang pagmamaktol ni Seb.

"Pero may karugtong pa 'yon 'di ba?" sulpot naman ni Em.

Napangisi naman ako sa kanila.

"And it is also rapidly absorbed in the small intestine," sagot naman ni Jayden.

Napapailing na lang akong pumunta sa kusina at kumuha ng pagkain para sa kanila. Buti na lang at Sunday ngayon kaya free kaming lahat. Well, except for Renz.

"You really learned from Kuya," rinig kong pang-aasar pa ni Mika.

Pumalakpak pa ang tatlo. Siraulo rin ata ang tatlong babaeng 'to. The boys were ranting but we just laughed at them. Nakakatawa naman kasi talaga ang sitwasyon nila. Para silang mga may phobia Kay Renz.

"Humanda talaga sa akin 'yon mamayang gabi. Nakapagreview na ako," sabi naman ni Jaydaen pagkabalik ko.

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Jayden. He's childish but I still love him. He'll always be my Chan.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon