Chapter 192: The Exhaustion

9 2 1
                                    

Celine POV

Pagkatapos ng nangyari sa kasal nina Mallory at Galvan minsan na lamang umuuwi si Galvan. Hindi na rin nga siya nakakauwi kung gabi at kung umuwi man siya hindi ko na siya naaabutan kinaumagahan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Ayokong pagdudahan siya lalo pa at kakasimula lang ulit namin.

Nag-aalala ako baka kung may problema siya't tinatago niya na naman sa akin tulad dati. Madalas na siyang tahimik kaya mas lalo akong nag-aalala. Hindi ako makatiyempong sabihin sa kanya ang tungkol sa baby. Gusto ko sana siyang sorpresahin.

Ako lang mag-isa sa bahay. Si Shan na kay Mommy kaya solo ko ang bahay ni Galvan. After our wedding, dinala niya ako sa bahay nila. Una akala ko wala na ang property nila na 'to but with all the money he saved binili niya ulit ang bahay ng pamilya niya. I feel grateful and proud. Sobrang dami niyang naging achievements.

Sinubukan kong magising ng maaga para maabutan si Galvan pero mukhang hindi siya umuwi kagabi. It's too early to have craving. Hindi ko maintindihan kung gutom ba 'to. It's totally different from ordinary hunger. Hindi ko alam kung anong gusto kong kainin. Wala rin naman akong magustuhan na pagkain sa fridge. Kaya't nag-ayos nalang ako para lumabas. Sa tingin ko hindi naman makakauwi si Galvan ngayong araw.

Dumiretso ako kina Dion. Magpapasama nalang ako sa kanila. Hindi rin naman kasi ako sanay na mag-isa sa bahay at walang ginagawa. Okay sana kung kasama ko si Shan. Pagkarating ko sa kanila wala si Shanzhen at si Dion lang mag-isa. Nagulat pa nga siya nang makita ako.

"Celine!"

"May gagawin ka ba ngayong araw?" tanong ko kay Dion.

Nakaayos kasi siya at mukhang may lakad. Napaka-wrong timing ng pagdating ko.

"Pupunta ako ngayon ng farm. Ikaw ba? May usapan ba kayo ng pinsan ko?" nakangiting sagot niya.

Farm?

Napangiti ako nang makaisip ako ng ideya. Sasama ako kay Dion. Ilang beses lang ako nakapunta roon kaya gusto kong sumama. Parang gusto kong manguha ng mga coffee beans sa farm nila at kumuha ng mga prutas. Dati noong pumunta kami ni Shan may dala pa kami pabalik dahilang daming bunga ng mga prutas nila Dion.

"Sasama ako sayo," natigilan siya sa sinabi ko.

He probably didn't expect I'll say that. He looked worried.

"Baka mapagod ka," pag-aalala niya.

"Mas napapagod ako kung walang ginagawa Dion. Please isama mo na ako," pakiusap ko sa kanya.

"S-sige."

Hindi ko sigurado kung tama nga ba ang nakita ko. Bago pa man tumalikod si Dion sa akin napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Pero baka imahinasyon ko lang 'yon.

Sumakay ako ng kotse niya nang paalis na kami. I took out my phone and typed a message for Galvan. Kailangan ko magpaalam. But I think he's busy kaya hindi niya na rin naman makikita ang mensahe ko. Pinatay ko na lamang ang cellphone ko at natulog. Malayo-layo at ilang oras din ang byahe. Tamang-tama ang gising ko nito mamaya.

Mallory POV

Bibisita ako kay Dad ngayong araw. Hindi pa nasisimulan ang kaso niya pero dahil nga sa dami ng sinampa sa kanya nakakulong siya ngayon. Halos lahat ng balita ay tungkol sa kanya at sa mga kaso niya. Marami rin silang nakalap na mga anomalya kaya mas lalong nadidiin si Dad.

"Buti naman at bumisita ka," sabi ni Dad pagkakita niya sa akin.

"Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama Dad. Pinagsabihan na kita dati pa. You should quit your deeds pero tinuloy mo  pa rin," turan ko.

Midnight Kiss Season IIIWhere stories live. Discover now