Chapter 172: The Old Tale

17 2 0
                                    

Celine POV

Nauna akong umalis kay Galvan. Tulog na tulog pa siya kaya ayoko muna siyang istorbohin. Napaghanda ko na rin naman siya ng pagkain para paggising niya wala na siyang alalahanin. Nag-iwan na lang ako ng note para mabasa niya pagkagising.

Bumaba na ako ng lounge para makasakay na ng tricycle papuntang hospital. Gusto ko sanang lumiban muna dahil masama ang pakiramdam ko pero kailangan ko kasi talagang pumasok. Hindi kasi pangkaraniwang trabaho ang ginagawa namin. We're saving lives. Every second is important. Kaya kailangan ko 'tong gawin.

Magdadalawang taon na rin akong nagtatrabaho sa hospital. Noong una gusto ko sanang bumalik nalang sa cafe kaso mahirap kasi dati ang pag-uwi dahil sa pandemic. Lalo pa sa China galing ang virus. Kaya napilitan akong mag-aral ng Nursing. Accredited naman ang school kaya nakapag board exam pa rin naman ako pag-uwi.

Tumawag sa akin si Papa pagkauwi ko. Gusto niyang sa GMH ako magtrabaho kaso natatakot ako. Alam ko namang wala si Galvan doon pero posibleng doon siya magtatrabaho kung sakaling gugustuhin niyang umuwi.

But in the end, we still met. Nangyari pa rin ang kinakatakot ko. Naging posible ang imposible. Pero masaya ako sa relasyon namin ngayon. Wala nang lihim. Wala nang problema. Napag-uusapan na namin ang lahat.

My smile faded when I arrived at the hospital. I saw a familiar car pati na rin ang template nito. It's them. I thought they let us go already. Why are they here? Hindi ko inaasahang pupunta sila rito. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko't tumungo sa director's office. Hindi ko na hinintay pang tawagin ako.

I dialed Dion's number before entering the office. Binalik ko sa bag ang phone ko at tuluyan na ngang pumasok.

Tanging sila lang dalawa ang nandirito. Hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga mukha nila.

"What are you doing here?" bungad ko sa kanila.

"Nice to see you again Celine," nakangiti pang bati ni Huayin.

No matter how she tried smiling I could still sense her insincerity.

"Anong kailangan niyo?" nagtitimpi kong tanong.

"Wag kang mag-alala. Hindi ikaw ang ipinunta namin dito," sagot naman ni Jiangsu.

This old man never changed. Still rude and evil.

"Alam ba ni Dion na nandito kayo? Tapos na ang deal. Nakuha niyo na ang gusto niyo!"

Tumawa lang sila sa sinabi ko. They were really evil. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang ang takot ni Meiru sa kanila.

"We're here for Doc G hija," nakangising sabi pa ni Jiangsu.

Wangyue Jiangsu. He's the chairman of Wangyue Corp. Isa rin siyang politician sa China. Marami siyang investments at health care businesses. Kaya nga ang hirap talaga niyang banggain. His wife is Xu Huayin. Siya ang namamahala sa Wangyue Foundation. May mga shopping malls rin na nakapangalan sa kanya. May isa silang anak at 'yon ay ang ina ni Meiru. I admit kilala sila sa China. Marami ang natulungan ng foundation nila.

Pero ganoon pa man, hindi pa rin maililihis na masama sila. Sobrang hirap ang dinulot nila hindi lang sa akin kundi pati na rin sa pamilya at kaibigan ni Galvan. Gusto kong matapos na ang lahat. Ayoko nang pahirapan pa si Galvan. Marami na siyang isinakripisyo. Kaya't tinanggap ko ang alok ni Dion noon. We went to China.

Doon ko nalaman lahat lahat. Mula sa pagkamatay ng lolo ni Galvan hanggang sa kay Doc Mikael. They planted greed among the Galvan. Ang aksidente namin ni Galvan dati na nagpahiwalay sa aming dalawa hindi ko rin akalaing isa rin sa mga plano nila. It's their warning for Tito Mikael. They controlled us. Kaya walang ni isang saksi o nakasuhan ng mangyari 'yon.

Midnight Kiss Season IIIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora