COLD

571 39 73
                                    

Author's Note: Huwag kayo mahilo maaari ba? Mananagalog ako ng slight sa kabanatang ito, ang aking ilong ay nagdurugo na kaka-ingles. 😆 Mananakit ako ulit, sorry.



Author's POV

"Here we go!" Saad ni Traisse habang inaayos ang kanyang mga gamit.

Makikita sa isang sulok na nag-iisa na nakangiti ang dalaga na si Rabiya habang pinagmamasdan ang pagbaba ng kanilang eroplano, ang mga ngiti ni Rabiya na abot hanggang langit.

"The view is nice!" Saad naman nila Brix at Clyde habang nakatingin sa bintana.

"Look who's now excited?!" Pinagmasdan ni Via si Rabiya at ni-ngitian niya ito ng di mawari, niloloko ang dalaga.

Napa-iling na lang si Rabiya, kay tagal na nga niyang inintay ang pagkakataon na ito, ang araw na makakapunta rin siya sa--

Thailand.

Napatayo na lang si Kai, bakas sa mga mata nito ang saya. Nilapitan ni Kai si Rabiya kahit nahihiya ito.

"Kai?" Nakangiting tanong ni Rabiya.

Huminga ng malalim ang binata at marahan na hinawakan ang mga kamay ni Rabiya.

"Patawarin mo ako..." Tumingin ito sa mga mata ni Rabiya na may halong lungkot at pagsisisi.

"Kasalanan ko kung bakit kayo naghiwalay, kung hindi ko sana pinadala sa kanya ang mga litrato, di kayo magkakaganito."

Napangiti na lang ang dalaga, halos ilang linggo din sila hindi nakapag-usap ng maayos ni Kai.

Hinigpitan ni Rabiya ang hawak sa kamay ni Kai.

"Ginoo, matagal na kitang napatawad.." Sumilay ang mga ngiti ni Rabiya.

"Ano ba! Namiss kita ha!" Natatawa nitong saad.

Agad napayakap si Rabiya kay Kai, matagal silang hindi nag-usap dahil natakot si Kai na hindi na siya kakausapin ng dalaga.

"Aayusin ko binibini, 'wag kang mag-alala, babawi ako." Saad nito habang nakayakap.

"Parehas natin aayusin Kai." Saad naman ni Rabiya.

Ngumiti si Kai.

"Get ready everyone! Rabiya be ready, the cameras are everywhere." Tinignan ni Traisse si Rabiya.

Pagbaba pa lamang nila ng eroplano ay may mga naghihintay na, tama si Traisse may mga camera at media, kasama na dito ang ilan sa mga staffs ng Miss Universe Thailand Organization si NJ ang may dala-dala ng Ratchaphruek (isang uri ng bulaklak sa Thailand na madalas binibigay sa importanteng tao)

"My favorite Miss Universe!" Nakangiting saad ni NJ at binigay ang bulaklak kay Rabiya.

Hindi mapigilan ni Rabiya na ngumiti ng sobra.

"NJ, kapunka." Rabiya bowed with a hand praying gesture as a sign of respect.

Ang puso ni Rabiya ay nagdiriwang dahil sa mainit na pagtanggap ng Thailand sa kanya.

Pero hindi siya mapakali ng hindi makita si--

Wala pala si Amanda Obdam.

Kanina pa niya tinitignan sa mga kasama ni NJ kung nandoon si Amanda pero, wala.

Bagama't nakaramdam ng konting panghihinayang ang dalaga pero hindi nito susukuan ang minamahal.

"Looking for Amanda my queen?" Tanong ni NJ habang naglalakad kanina pa kasi nito napansin na parang may hinahanap si Rabiya.

My Rival EnchantressWhere stories live. Discover now