TERRIBLE

714 39 164
                                    

Rabiya's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kanina pero basta isa lang ang alam ko at yun ay handa akong tanggapin ang lahat. Mga masasakit na salita? Sige go lang. rejections? Okay lang. Humiliation? Sanay na ako diyan. Pero isa lang ang hindi ko kayang tanggapin at ito ay kapag di ko na nakita ang sarili ko na kasama siya, kapag ngumingiti siya na hindi na ako ng dahilan. Natatakot ako.

She's everything to me now.

Since I won the crown and gave pride to my country, siguro may kalayaan na akong mahalin siya ng buo, walang pretention, hindi nagtatago, yung totoo lang.

Alam ko ang daming maaaring mangyari pagkatapos ng araw na 'to pero hinding-hindi ko pagsisisihan na pinagsigawan ko sa buong mundo na ang puso ko ay nabihag na ni Amanda.

Tama nga sila kapag tinamaan ka, tatamaan ka talaga at yan ang naramdaman ko noong una ko siyang nakilala.

"Grabe! Number one trending sa Twitter oh! #RamandaWins" saad sa akin ni Kai.

Kanina ko pa hindi maintindihan ang nararamdaman ko, masaya, sobrang masaya. Hindi ko naman inasahan na masasabi ko ang lahat ng 'yon dahil hindi niya ako pinapansin, way niya ata yun para magpapansin kaya yun, nagkaalaman!

Nandito pa rin kami sa dome, iniintay ko si Amanda bago kami pumuntang hotel. Sabi ko uuwi na ako, pero ayaw, ihahatid niya daw kami bago siya pumunta sa dinner ng family niya.

"Binibini ngiti ka pa diyan ha!! Pakasal na kayo ang tagal naman!"

Natawa na lang ako..

Kasal agad?! Hmm.

"Soon." I chuckled.

Pwede naman ngayon na lang! Char!

"Sandali lang binibini, may tatawagan lang ako ha."

I nodded.

Ang tagal tagal naman ni Amanda, sabi niya lalabas na siya hays.

"Ma-ma!"

A soft small voice appeared of nowhere, boses ng isang baby...

Napaigtad ako ng may batang maliit na humihila na ng dress ko. Tumingala siya na para bang gusto niyang kunin ko siya.

Awwww! Ang cute naman!

Sige na nga!

Ang ganda-ganda naman ng batang 'to, nasaan kaya mama niya? Medyo chubby siya kaya lalo kong napansin ang cheeks niya.

Agad ko itong binuhat, she wears a flowery dress, cute! Morena siya like me!

Her bubbly cheeks ang sarap kurutin!

"Hii baby!!" I giggled.

She smiled at me and points my nose with her little index finger.

"Where's your mama?" I asked gently.

Hindi pa ata marunong magsalita 'to, bakit ko ba tinatanong?

"Ma-ma!" Awwww, pwede ba ampunin ko na lang? Sobrang cute e!

GIGIL AKO!!!!

"You see that! Woow an airplane!" Saad ko habang nakatingala sa ulap, may dumaan na eroplano. Tumingala din naman si baby tapos biglang tumingin saken, nagkangitian na lang kami.

Sandali nanggigigil ako!!

She just slightly nodded and still staring at me. Ako naman 'tong hindi mapigilan ngumiti. I can pinch her right now!

My Rival EnchantressWhere stories live. Discover now