BALCONY

663 43 90
                                    


Rabiya's POV

"Binibini, pucha bakit di mo agad sinabi saken?! Tangina!" 

Napaigtad si Kai sa kinauupuan niya at ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin pero galit na galit pa rin sa nangyari kanina.

"Kai, kalma." I sighed.

"Paano binibini?! Kung hindi pa dumating si Amanda baka na-rape- ka na! Putcha!!!" Napatigil na lang ito.

Alam ko Kai, ganyan din nasa isip ko. I owe my life to Amanda kung hindi dahil sa kanya baka nga nagawa na ni Dion saken yun.

Napailing na lang ito at ininom ang tubig na kanina pa niya dala.

Naninibago ako kay Kai, parang tunay kung magalit, grabe talaga mga baks 'no?

"Kai, VP natin si Mr. Traisse, syempre ayoko ng issue." I explained.

"Ayaw mo ng issue pero buhay mo yung nakataya? Mag-isip ka naman! Mahal ka namin, ayaw ka nga namin mainitan, mapagod ng sobra, kahit kagat ng lamok di kami pumapayag! Tapos dito kay Traisse hahayaan mo lang sarili mo??!!!"

Napaigtad na lang ako sa sigaw niya. Muntik na akong matawa.

Ga-grabe! Bakit ba pakiramdam ko ang importante ko?

Intense na intense Kai ha!

Sandali, kagat ng lamok husko!

"Ginoo, opo sige na, hindi na po ako papayag." I remain calm and clear.

Tinignan ako nito ng naiinis.

He rolled his eyes at me, ayan na naman ang ate Kai.

"Naiinis ako eh! Kahit sinong tao hindi dapat ginaganon lalo na ikaw! Mabuti na lang hays! mabuti na lang talaga! Mabuti na lang dumating si Amanda."

Out of nowhere bigla na lang akong napangiti.

Rabiya? Ano ba?! Bakit ba natutuwa ka pa e nasaktan ka na nga ni Dion.

Paano naman kasi parang superhero! Bakit ganon tssss!

Pakiramdam ko ako yung leading lady na niligtas niya kanina, ugh babe! Bakit ganito iniisip ko?

"Tara na nga binibini! Nagugutom na ako!"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Kai.

Natatakot na ako ngayon para sa buhay ko, pero kaya ko pa naman patawarin si Dion dito. He's still my VP, kaya kailangan na namin ayusin 'tong issue as soon as possible.

"Oo nga pala binibini, katabi mo si Via mamaya sa kwarto mo? Kailangan mo ng isang kasama, baka maisahan ka na naman nung Traisse na 'yon!" Tanong sa akin ni Kai habang naglalakad kami palabas.

May nakahanda raw na dinner for us.

"Actually sinabihan ko na si Via pero hindi pa siya lumilipat ng room. But I can handle this Kai, alam na ng mga staffs yun." I smiled at him.

Kanina pa hindi makakalma 'tong si Kai, iritado pa din, hay naku!

Pero I came here to fix everything with Amanda, napapagod na ako na hindi kami nag-uusap, namimiss ko na siya.

Isang buwan akong di mapakali ano ba?!

Ang ganda talaga dito sa resort, para rin akong nasa Pilipinas dahil sa simoy ng hangin.

My Rival EnchantressWhere stories live. Discover now